Nagbibiro ba si Duterte?
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

SAMU’T SARING opinion ang ating narinig tungkol sa umano’y plano ni Pres. Digong Duterte na 5 minutong biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang Makati City. Maraming nagtaas ng kilay sa sinabing ito ng Presidente pero meron ding natuwa at sa wakas may pag-asang ma­resolba ang trapiko sa EDSA. At eto pa, ipatutupad ito sa loob ng anim na buwan. Aba, kung magkakatotoo good news ito para sa ating lahat.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na kung magagawa ito ni Digong ay puwede na siyang President habambuhay sapagkat ang napaka-imposibleng mang­yari ay gagawin niyang posible. Masyadong posi­tive thinker ang ating Presidente. Ganyan din ang sinabi niya noon pa na reresolbahin ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan. Anyare? Marami nang pag-aaral ang ginawa upang resolbahin ang traffic pero hanggang ngayon, wala pa ring maliwanag na sagot.

Para sa akin malabong mangyari ang plano ni Digong. Una, hindi mapigilan ang paglobo ng populasyon at pa­rami nang parami ang bumibili ng sasakyan. Anim na buwan mula ngayon? Papasok na ang buwan ng ber. Pero kung may natatanaw si Digong na magandang solusyon, bakit hindi? Ipatupad para naman maibsan ang galit ng commuters na pagminalas sa traffic nagiging isang oras ang biyahe mula Cubao hanggang Makati.

Hindi kaya joke lang ang sinabi ni Digong? Alam naman­ natin na sa bawat talumpati niya ay merong joke na nakasingit. Mas mabuting pagtuunan na lamang ang problema sa droga sa bansa dahil kapag natapos niya ito, ‘yan ang kanyang magiging lasting legacy sa pagbaba niya sa puwesto sa 2022.

RODRIGO DUTERTE TRAFFIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with