_ngayon
^

PSN Opinyon

‘Oo na sige na, bastos na kung bastos!’

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Call us crude, acid tongue, uncouth and hard-edge. Call us whatever you want, wala akong pakialam!

Oo na, sige na, bastos na at brusko na kami. Dahil hindi kami mga perpektong tao. Marami kayong kapintasang makikita sa akin o sa mga kapatid ko man.

Ang mahalaga, sa propesyong aming pinili at minahal, marunong kaming maawa, umunawa, makinig at magbigay­ ng panahong tumulong sa kapwa.

Ang BITAG, itinatabla ang laban ng mga taong nasa ibabang nakaranas ng pang-aabuso, pananakit, pangma­maltrato at panloloko.

Ang mga taong araw-araw na dumadagsa sa aming­ action center, mula pa sa malalayong probinsiya na ma­agang gumigising para personal na idulog ang kanilang mga sumbong at hinaing.

Walang anumang kapalit o kabayaran ang pagtulong­ na ito. Wala ring kung anu-anumang kondisyones bago mapakinggan ang inyong reklamo. Ako mismo ang huma­harap, kasama ng aking  trained investigators.

Hindi kami taong gobyerno o pasahurin ng pamahalaan subalit ginagawa namin ito ng may katotohanan at bukal sa kalooban.

Oo, mayroon kaming mga advertisers na nagtitiwala at sumusuporta sa adbokasiyang ginagawa ng BITAG. Eto ang sumusuporta sa mga karagdagang tao, gamit at pasilidad para sa mas malawak at epektibong serbisyo ng aming action center. Kaya para sa mga nagsasabing may bayad kami para tumulong sa kapwa, utot n’yong blue!

Hindi lang kami puro ngakngak dahil aksiyon ora mismo ang ginagawa naming trabaho. Hindi tulad ng iba diyan, kailangan mo pang maghintay ng limang araw bago ma­pakinggan o mapagsilbihan.

Sa haters at bashers na tumatawag sa aming bastos, mayabang, brusko at kung anu-ano pa, sige lang, kung diyan kayo masaya eh.

Anyway, you people are only spectators. Hindi namin kayo nakatrabaho o nakasalamuha man lang, nayabangan lang sa estilo na gamit namin.

Ganoon talaga, you cannot please everybody. Eh hindi ko naman trabahong i-please o i-entertain ang publiko.

Kami sa Pambansang Sumbungan, patuloy na maglalabas ng katotohanan kesehodang masakit o bastos na na salita man ang lumabas sa aking bibig at tutulong sa kapwa kahit sino pang patay-patay na masagasaan.

ERWIN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with