Amoy na amoy ang katiwalian
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2019 - 12:00am

MAG-INGAT tayong mga retiradong nakakakuha ng pension. Protektahan natin ang kaunti nating natatanggap­ kada buwan, sapagkat nagkalat ngayon ang mga kawa­tan at manloloko. Merong ahensiya ng gobyerno na kahit­ patay na ang tao eh nagagawa pa ring kubrahin ang pension nito. Huwag nating ipagkakatiwala maliban sa mi­yembro ng ating pamilya ang kaunti nating perang pinag-ipunan noong tayo ay nagtatrabaho pa. Baka matunaw ito at ibang tao lang ang makinabang.

Pension lamang ang inaasahan nating mga retirado. Matagal natin itong hinulugan katuwang ang kompanya nating pinaglilingkuran upang sa ating pagtanda ay meron tayong pambili ng ating gamot at pagkain sa araw-araw. Huwag tayong pumayag na ito ay makuha ng mga tamad na magnanakaw. Meron isang ahensiya ng gobyerno na may tinatawag na “ghost pensioners” marami pang araw na darating kaya aalingasaw din ‘yan pag may bahong nakatago.

Ano ngayon ang mangyayari sa PhilHealth. Napakala­king kontrobersiyang kinakaharap. Kung wala pang nag­lakas-loob na magsalita tungkol sa katiwalian, kawawa naman ang mga kasalukuyang miyembrong nagbabayad baka pagdating ng oras na silang mangailangan ubos na ang pondo ng ahensiya.

Napapansin ko lang, nabubuko ang bulok na kalakaran sa isang ahensya dahil merong taong tagaloob na nagbubulgar. Bakit kaya? Dahil nakonsensiya? O baka naman kulang sa partehan? Masakit man aminin ang katotohanan, pero yan ang malimit lumabas na dahilan. Kulang o hindi nabigyan ng kaparteng pera.

Isang hamon na naman ito kay President Digong dahil mga kawatan na naman sa loob ng ahensiya ng gobyerno ang sangkot dito. Para sa akin, kulang kung bala­sahin lamang ang mga namumuno, palitan kung kina­kailangan, dahil nagsasabwatan ang mga tao sa loob ng ahensiya.

PENSION PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with