^

PSN Opinyon

Mr. Speaker – huwag kalimutan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

MATINDI na ang sagupaan sa mababang kapulungan para sa pribilehiyong maupo bilang Speaker ng Kamara. Apat ang magkatunggali: isang dating Senador at dating Secretary of Foreign Affairs, Alan Peter Cayetano; dati nang Speaker na si Pantaleon Alvarez; at ang dalawang batikang Kongresista na sina Martin Romualdez at Lord Allan Velasco. 

Kung paniniwalaan ang mga tsismis na binabato maski sa media, milyun-milyon daw ang alok kada congressman para lang makuha ang suporta sa Speakership. Kung sino raw ang namimigay ay hindi naman sini­siguro. 

Madalas, ang laban para sa pangunahing posisyon sa mababang kapulungan ay dala na rin ng kung ano ang mahalagang agenda ng nakapuwesto sa Palasyo. Siyempre, kapag kakampi ang nakaupo, higit na masi­siguro na kung ano ang programa ng Pangulo ay masusuportahan. 

Sa labanang Speaker ngayong 2019, wala namang ganoong isyu dahil lahat ng apat ay kilalang suporter ng Pangulo. Maliban dito, malinaw na malaking mayorya ng House ay hindi tututol sa kanyang kagustuhan. Sa madaling salita, walang mangangamba na baka manaig sa mababang kapulungan ang isang kilusang hahadlang at papahirap sa mga plano ng Malakanyang -- lalo na sa budget. 

Sa kanilang apat, wala naman tumatanggi na hangad nila ang suporta at basbas ni Pangulong Digong. Wala namang makakapag-argumento na mayroong mahalagang agenda na siyang hinihimok na masuportahan ng mga kapwa kongresista.

Kung kaya ang umpugang ito ay, kung tutuusin, palig­sahan lamang ng kung sino ang pinakapapaboran ng Pangulo. At makasisiguro rin tayo na ang tatanghaling Speaker ay mapipili lamang dahil, sa huli, ito ang tinuro ng Malacañang. 

Wala namang panganib sa lipunan itong pansamantalang suspense sa pamunuan ng House. Sa ganang akin, lahat sa apat ay walang itulak kabigin pagdating sa kakayahang mamuno. Ang dasal ko lang, sana’y laging isaalang-alang at iuna ang interes ng nakararami kaysa interes ng kung anumang grupo, kasama na ang Malacañang. Hindi awtomatikong magkatumbas ang interes ng publiko sa interes ng kung sinumang may kapangyarihan. 

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with