^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Awit vs droga ang likhain

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Awit vs droga ang likhain

NARARAPAT ang ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hilingin sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na ipatigil ang pag-eere ng “Amatz” ng Shantie Dope. Bukod sa MTRCB, hiniling din ng PDEA sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na huwag gamitin ang kanta sa media promotion.

Ayon kay PDEA director Aaron Aquino, pinu-promote ng “Amatz” ang paggamit ng marijuana at iba pang droga kaya hiniling niya sa MTRCB na maitigil ang pag-ere nito. Malinaw aniya sa kanta na ang tinutukoy dito ay ang mataas na epekto ng marijuana na natural at walang halong kemikal. Nanghihikayat ito sa mga makakarinig na gumamit ng marijuana at hindi ito magandang halimbawa sa mga kabataan. Ayon kay Aquino, mataas ang pagtingin niya sa mga artist at music industry pero ang kantang “Amatz” ay hindi katanggap-tanggap lalo pa nga’t may kampanya ang pamahalaan laban sa bawal na droga.

May katwiran ang PDEA sa kahilingang ipagbawal ang pag-ere ng “Amatz”. Hindi nga naman ito magandang pakinggan na para bang ipinu-promote ang epekto at lakas ng tama ng marijuana. Sa panahon ngayon na talamak ang paggamit ng droga, hindi nararapat na makarinig ng mga kantang may bahid ng pagkahumaling sa droga.

Sa mga nakaraang linggo, sunud-sunod ang pagkakahuli sa mga high school students na nagtutulak ng marijuana. Sa kabila nang matinding kampanya ng pamahalaan, wala nang takot ang mga kabataan sa pagtutulak at tila hindi na sila nagagabayan ng kanilang mga magulang. Katwiran ng mga nahuhu-ling estudyante, mabilis itong pagkakakitaan. Sa kapwa estudyante nila ibinebenta ang marijuana. May nagsabing dahil sa kahirapan ng buhay kaya nila nagawang magtulak.

Sa halip na ganitong kanta ang likhain, mas ma­ganda kung ang pakikibaka laban sa droga ang i-composed. Ipabatid sa kanta na walang makukuha sa droga kundi ang pagkasira ng buhay. Ang mga kantang ganito ang amat.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with