^

PSN Opinyon

Dayuhang niloko ng Pinoy, nagpasaklolo sa BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI na bago sa BITAG Pambansang Sumbungan ang makatanggap ng mga isyung ang sangkot ay isang Pilipino laban sa dayuhan.

Kadalasan, ang nakararanas ng pagmamalupit ay ang ating mga kababayan kaya tumutungo sa aming tanggapan at inirereklamo ang dayuhang umagrabyado sa kanila. Ngunit sa kaso ng isang Bahraini na lumapit sa amin, ang kasosyo niya na isang Pilipino raw ang nanggantso sa kanya sa kanilang Chicken Inasal business. Malaki ang pagsisisi niya nang ipagkatiwala ang kanyang pera sa kaibigang Pinoy.

Mahigit anim na buwan simula noong nagbukas ang kanilang restaurant ngunit reklamo ng dayuhan, ni singkong duling ay wala siyang natanggap at tila nabalewala ang pinuhunan niyang milyun-milyong salapi. Gusto na lamang maibalik ng dayuhan ang pinuhunan niyang pera at nangako naman ang Pinoy na babayaran na lamang siya. Pero pinaasa lang ng Pinoy ang kasosyo dahil hindi nito maibalik ang pera.

Minabuti kong tawagan at hingin ang panig ng inire-reklamo nating kababayan para sa patas na paghatol sa kasong ito. Pinayuhan ko na lamang siya na bayaran ang dayuhan upang hindi na humantong sa mas malala pang pangyayari kung hindi siya susunod sa usapan.

Patunay lang ito na kami sa BITAG, walang pinapanigan. Kahit ano pang lahi mo, basta ikaw ang nasa tama, tutulong kami sayo. Hindi porket kababayan kita e sayo na agad ang simpatya ko. Kailan man ay hindi kami papanig sa mali.

Wala namang masama sa pagnenegosyo at paghahangad makaangat sa buhay. Ngunit kung sa pag-angat mo ay may natatapakan ka namang ibang tao, hindi naman na yata tama ‘yan! Kaya ang payo ko sa mga Pinoy na nanloloko ng ibang tao, ‘wag nang hintaying kami ang luminis sa mga kalat n’yo. Hindi lang sariling pagkatao n’yo ang nasisira rito, kundi ang imahe ng mga Pilipino!

 

Mapapanood ang kabuuan ng episode na ito sa aming Youtube channel, BITAG OFFICIAL pati na rin sa aming website na www.bitagmedia.com.

vuukle comment

BITAG PAMBANSANG SUMBUNGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with