Buwis sa gasolina ilipat sa de-kotse
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2019 - 12:00am

MATAAS na buwis sa langis at gasolina. Matinding trapik sa lahat ng lungsod. Tinitignang magkakambal ang dalawang problema ng ordinaryong mamamayan. At may pinapanukala si mamamayang Rene Torres (rentorres@yahoo.com) na iisang solusyon sa dalawa. Aniya, ilipat ang buwis ng langis at gasolina sa mga de-kotse.

Batay sa panukala, anumang sasakyang rehistrado sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay exempted. Ito’y mga taxi, UV Express, ride sharing, jeepney, bus, minibus, at coaches. Sa pagpabor sa kanila mae-engganyo ang pagsakay sa pampubliko.

Kung hindi rehistrado sa LTFRB, sakop ng nilipat na buwis. Ito’y mga motorsiklo, tricycle, sedan, SUV, sports car, pickup, truck, hauler, tanker, at trailer. Tuwing magkakarga ng diesel o gasolina, at gagamit ng lubricants at additives, papatawan ng matinding buwis. Ipapapasan sa kanila ang bulto ng P200 bilyon na nakokolekta ng gobyerno mula sa excise tax at value-added tax sa langis at gasolina. Mababawasan ang paggamit sa mga ito.

Kaakibat na panukala ang mas mataas na registration fees batay sa edad ng sasakyan at laki ng makina.

Halimbawa ng “age tax”: P1,000 sa kotseng isang taong gulang, P2,000 sa dalawang taong gulang, P3,000 sa tatlong taon, pataas batay sa kalumaan. Mapipilitang igarahe na lang ang mga sasakyang matatanda kaya maaksaya sa fuel at maintenance.

Halimbawa ng “consumption tax”: P2,000 kada taon sa sasakyang may engine displacement na 1600 cubic centimeters o mas mataas, P4,000 kada taon sa 2000 cc-pataas, P6,000 sa P2400 cc-pataas, P8,000 sa 2800 cc-pataas, hanggang sa pinaka-malalaking makina.

 Luluwag ang mga kalye at lilinis ang hangin sa lungsod.

* * *

 Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

FUEL GASOLINE TRAFFIC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with