^

PSN Opinyon

Mainit, madatung ang contest sa speakership

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ITINANGGI ni Davao City Mayor Sara Duterte na inendorso niya si Leyte Rep. Martin Romualdez na maging susunod na House Speaker. “There’s no truth to that claim,” Sabi ng presidential daughter na ang basbas ay itinuturing na mahalaga at pinag-aagawan ng mga pulitiko. Ganyan ang pulitika sa bansa. Kundi puro propaganda, ginagamitan ng kapangyarihan ng pera.

Kaya anang isang reliable source, talamak ngayon ang vote buying sa House of Reps na ginagawa ng mga speakership aspirants. Grabeh! Kung ang bilihan ng boto sa mga national elections ay daang piso ang bayad sa botante, milyones pala ang pinag-uusapan pagdating sa pinag-aagawang leadership sa House!

Dinadaan na umano sa walanghiyaan ang pag-abot sa kanilang ambisyon. Nakakadismaya. Ang tingin ng ibang mambabatas ay puwedeng bilhin ang suporta ng mga kasamahan. Ayon sa source, isa sa mga nag-alok ng pera para makakuha ng suporta ay si Cong. Romualdez. 

Nung una ay paramdam, pero dahil naging mainit na ang labanan, tahasan na umanong nag-alok ng kalahating milyong piso kada congressman ang kampo ni Romualdez para piliin siyang Speaker. Totoo ba iyan? Kasunod nito, kumalat daw kamakailan sa hanay ng mga kongresista ang mga text message. Hinihikayat silang sumuporta kay Marinduque Cong. Lord Allan Jay Velasco na maging Speaker at pinapalabas na galing kay Davao city mayor Sara Duterte ang text kahit hindi. 

Bukod diyan ay nag-alok daw ng P1 million para sa bawat kongresistang ibebenta ang boto kay Velasco. Hindi naman kailangang bilhin lahat ni Velasco ang mga kongresista dahil simple majority vote lang, o mahigit  150 votes ang kailangan para masungkit ang speakership. Wala pang P200 million ang magagastos ni Velasco, na ang pamilya ay  kilalang  “rich and powerful” sa Marinduque.  Si Romualdez naman na isa rin sa pinakamayamang congressman, ay mga P100 million lang ang papakawalan para sa mga kakagat sa kanyang alok.

 Mas malaki umano ang alok ni Velasco dahil sa kanyang partidong PDP-Laban, dalawa na ang kalaban niya—si dating Speaker Pantaleon Alvarez at si Pampanga Cong. Aurelio Gonzales. Dapat kondenahin ng mga kongresistang matuwid ang ganitong pag-insulto sa kanilang integridad. Pinalalabas na mukha silang pera. 

Ang dapat niyang gawin para ipamukha sa mga ganitong kandidato na hindi uubra ang bulok nilang siste ay ibasura sila sa darating na halalan sa speakership ng Kongreso.

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with