^

PSN Opinyon

Sino si ‘Duds,’ a.k.a Chiquito,’ ang isa sa human trafficker sa NAIA?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na may isang Bureau of Immigration official na malakas ang loob na bumitbit ng pasahero sa NAIA kahit hindi siya nakatalaga rito.

Sabi nga, dahil may  ‘PERA.’

Ika nga, escort with a fee!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natatakot daw ang mga immigration officers at BI-Travel Control Enforcement Unit personnel sa inaasal ng abusado at gagong ito,

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang ‘Duds’ a.k.a Chiquito ang animal na madalas mamasahero sa NAIA international terminals.

Ano ba ito? 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinupuersa raw ni alyas ‘Duds Chiquito,’ na bigyan ng exit clearance ng mga immigration officers na dadaanan ng kanyang bitbit na mga tourist workers na depektibo ang mga dokumento papuntang Middle East.

“Kapag nasita ng TCEU ay galit si Duds Chiquito at pinagsisigawan pa ang mga pobreng alindahaw with matching pananakot pa.” Take note, SoJ Guevarra at BI Commissioner Morente, Your Honors!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang mga workers going to Middle East ang bitbit niya going abroad kundi pati mga Chinese nationals na dumarating sa arrival ng NAIA ay sinusundo rin ni Duds Chiquito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMIO, madaling makilala si alyas ‘Duds Chiquito’ dahil kahawig siya ng namayapang comedy star actor na si Chiquito na sikat sa mga katatawanan noong dekada 70.

Gumawa ng report ang mga taga-BI-NAIA sa mga pinaggagawa ni Duds Chiquito para kung magkaroon ng imbestigasyon ay may ipakikita silang mga details ng mga binitbit na pasahero ng gago.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

Gapangan for Speakership

NAIBULONG sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na matindi na pala ang gapangan sa pagka-Speakership diyan sa Kongreso at apat ang lumulutang ang mga pangalan ng mga kongresista na ibig pumalit kay Speaker GMA sa pagbaba nito sa trono.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang gapangan ngayon para makuha ang boto ng mga minamanok nila sa Kongreso kaya naman nagkukumahog sila na pakiusapan na huwag kalimutang iboto ang kanilang kandidato.

Ika nga, parang si ‘Spider Man’ na gumagapang ang ilang kasangga ng kandidato. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kanya-kanyang pangako oras na manalo ang kinakampanyang ‘Speaker’ candidate.

Sabi nga, hindi ka magsisisi sa komiteng gusto mo?

“May pera kaya pangako sa gapangan para sa ‘Speakership?” tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bumabaha na kaya ng pera diyan sa Kongreso?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sina Reps. Alan Peter Cayetano, Lord Alan Velasco, Pantaleon Alvarez, ang dating House Speaker na pinatalsik kamakailan, at si Martin Romualdez, ang mga gustong pumalit kay GMA sa tulong ng kanilang mga kabig sa Kongreso, isa sa kanila ang tatanghaling kampeon. 

“Alam naman natin may mga isip ang mga kongresistang boboto para pumili ng House Speaker.’

Ano sa palagay ninyo?

Abangan. 

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

HUMAN TRAFFICKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with