^

PSN Opinyon

Party-list

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ILANG bilyonaryo ang kumakatawan sa party-list. Ito ang napansin ng Comelec at hinikayat ang bagong Kongreso na amyendahan ang batas hinggil sa party-list para matukoy ang isyu na ito. Hindi raw ito maayos sa ngayon ng Comelec dahil inaaprubahan lang nila ay ang mga grupo. Hindi nila alam kung sino ang mga nominees. Kaya kapag inaprubahan na sila ng Comelec, saka pa lang isusumite ang kanilang nominees na kadalasan ay mga kilalang bilyonaryo, milyonaryo o makapangyarihang pulitiko na ginagamit ang party-list para makapasok muli sa Kongreso. May budget din ang mga party-list lalo na kung kaalyado ng administrasyon. Nanginginig na lang ako sa ilang mga magiging bagong kongresista. Sana nga ay mga nasa laylayan ang silbihan, at hindi ang bulsa.

Pero bakit hindi ito napansin ng Comelec nang ipatupad na ang party-list system? Siguro naman napansin ito kaagad sa unang masama na sa halalan ang mga party-list. Ngayon, sari-saring party-list na nais makapasok sa Kongreso, ang iba ay may mga katawa-tawang pangalan pati adbokasya, na hindi naman mga nasa laylayan ng lipunan. Kapansin-pansin ang numerong “1” at letrang “A” sa harap ng mga pangalan ng marami, para mauna sa balota. Kung isa lang ang kailangang iboto sa party-list, baka tamarin nang magbasa ang botante at markahan na lang ang mga nasa unahan ng listahan kung wala namang party-list na sinusuportahan antimano.

Karamihan sa 51 naproklama na ng Comelec ay kila­lang kaalyado ng administrasyon. Mga kilalang dating kontra sa administrasyon ang mga nakapasok din. Pero mas lalong nadagdagan pa ang mga kaalyado ni President Duterte. Kahit ilang beses pang sabihin ng Senado at Kongreso na hindi magiging sunud-sunuran lang kay  Duterte, karamihan ay ginawa ang kilalang “fist bump” nang magpalitrato. Hindi sunud-sunuran?

Kung may mga nanalong party-list na, bakit hindi naman madesisyunan ng Comelec ang gustong maging nominee ng isa ring kilalang tagasuporta ni Duterte, kung malinaw naman na lampas na ang kanyang edad para kumatawan sa kabataan? Kung kritiko kaya ni Duterte iyan, tumagal din kaya ang pagdesisyon ng Comelec?

vuukle comment

COMELEC

PARTY-LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with