^

PSN Opinyon

Sino ba si Bikoy?

KUNSABAGAY - Tony F. Katigbak - Pilipino Star Ngayon

AKO’Y naiinis na dahil hindi mamatay-matay ang balita tungkol kay Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy”. Huwag naman gaanong bigyan ng importansya ang mga pahayag ng taong ito dahil hindi pa man lumilipas ang isang buwan ay nag-iiba na ng kanyang pananalita. Akala siguro niya, makukuha ang atensyon ng taumbayan nang birahin niya ang pamilya ni Pres. Digong Duterte. Anong napala niya? Wala ‘di ba? Bokya lang ang inabot niya. Nanalo pa si Paolo at Sara Duterte at si Bong Go na kanya ring idinawit.

Ang tanong ng marami ay ito, sino ba talaga si Bikoy? Hindi na lingid sa ating kaalaman dahil napanood natin sa TV nabasa sa diyaryo at nakalkal ang buhay ni Bikoy. Sa kasalukuyan, merong hinaharap na dalawang kaso ng estafa at illegal recruitment. Parehong pera ang pinag-ugatan ng kanyang mga kaso. Wala siyang pinagkaiba sa mga kawatan. Nag-umit ng pera sa kanyang kapwa. Isang taong pera lang ang katapat para sirain ang buhay ng kapwa. Bumaliktad dahil hindi raw binigay ang P500,000.00 na pangako sa kanya upang dikdikin ang pamilya at kaalyado ni President Digong.

Ngayon mukhang kinagat ni PNP chief Oscar Alba-yalde ang mga bagong pahayag ni Bikoy laban naman ngayon sa kampo ni VP Leni at Sen. Antonio Trillanes. Magaling talaga si Bikoy mamili ng mga taong dudurugin ang kanilang pagkatao. May mga natanggap na batikos ang PNP chief dahil sa pagkupkop sa taong sinungaling at ngayon ay nagpapasarap sa PNP Hospital na hindi naman nararapat.

Para sa akin ‘di-dapat paglaanan ng oras at pera ang taong ito dahil nabibili ang kanyang kredibilidad. Malay n’yo kayo na ang kanyang isusunod na sirain. Mas maraming makahulugang balita kaysa sa mali-maling pahayag ni Bikoy.

vuukle comment

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with