^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura mula sa Australia

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basura mula  sa Australia

HINDI pa naibabalik sa Canada ang mga basura na dinala sa bansa noong 2013-2014, meron na namang basurang dumating at nagmula naman sa Australia. Dumating ang basura ng Australia sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Mayo 3. Sabi ng Bureau of Customs (BOC) nakadeklara ang basura na “processed engineered fuel” (PEF) at gagamitin umanong gatong para sa isang cement company. Siyam na container ang basura at sinabi ng Custom na hindi raw deli­kado sa kalusugan ang mga basura na galing sa Australia. Hindi raw toxic ang mga ito.

Mabilis magsabi ang mga taga-Custom na hindi toxic ang mga basurang galing sa Australia. Gaano sila nakatiyak gayung kararating lamang ng mga ito. Dapat isailalim sa masusing pagsisiyasat ang sinasabing “processed fuel” at baka makaapekto ito sa kalusugan at sa kapaligiran. Kailangan ding may pag-apruba ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ginagawang tambakan ng basura ang bansa. Sa kabila na nagbabala na si President Duterte na huwag pagtapunan ng basura ang Pilipinas, patuloy pa rin sa pagdating at tinatanggap ng Customs. Nagdeklara ng giyera sa Canada si Duterte at tina­ningan ng Mayo 15 para ibalik ang basura pero hanggang ngayon ay nasa bansa pa. Noong nakaraang taon, dumating din sa bansa ang basura mula sa South Korea pero naibalik din agad ito sa pinanggalingang bansa. Ang Sokor mismo ang nagproseso para ma­ibalik ito sa kanilang bansa.

Kasalanan din naman ng BOC kung bakit mara­ming nakakalusot na basura. Hindi nila dapat hinahayaang maibaba ang mga container ng basura. Kapag nalaman nilang basura ang laman, dapat ipa­balik agad sa pinanggalingang bansa. Kung ang basura ng Canada ay agad nainspeksiyon ng Custom­ noong 2013, hindi na sana ito naidiskarga sa Manila Port. Ngayon ay nagdudulot ng problema sa bansa sapagkat mabagal magpasya ang Canada­ kung kukunin o hindi ang kanilang basura na kinabibilangan ng household at hospital wastes.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

GARBAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with