^

PSN Opinyon

Sayang ang oras kay ‘Bikoy’

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAPAT pa bang pag-aksayahan ng oras ng Senado si Peter Joemel Advincula alias “Bikoy” hinggil sa inilantad nitong “Ang Totoong Narcolist”? Sa tingin ko, sayang­ lang ang oras at pera na gagastusin ng Senado sa ga­nitong pabali-baliktad na pahayag ni Advincula. May katwiran si Sen. Panfilo Lacson na pag-aaralan muna niyang maigi ang isinisiwalat ni Advincula at kailangan muna na may mga pruweba at ebidensiya bago niya bigyan ng panahon.

Nang ilantad ni Advincula “Ang Totoong Narcolist”, ang pinuntirya niya ay sina Paolo Duterte, Christo­pher “Bong” Go at ang asawa ni Davao City Mayor Sara Du­terte na si Maneses Carpio. Naging mainit ang naging tugon dito ni President Duterte kaya nalagay sa alanganin si Advincula. Mula noon ay nagtago na ito. Kamakalawa, napilitan na itong lumutang sa kanyang kaanak na pulis. Masuwerte naman at tauhan ni Norther Police District director BGen. Rolando Anduyan kaya napadali ang pagkuha sa kanya roon sa Pasig City.

Naging maayos naman ang pagsuko nito kina Andu­yan na nagsama kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde at nagkaroon ng press conference sa Camp Crame. Doon na ibinulalas ni Advincula ang paghingi ng kapatawaran sa Presidente at kaanak. Inamin niya na scripted ang kanyang video para pabagsakin ang mga kandidato ng administrasyon. Huhuhu! Mukhang sinuba siya ng kanyang mga katransaksiyon at sa katunayan umano hindi siya nabayaran sa pinag-usapang P500,000 at ilalaglag na siya kaya napilitan nang sumuko.

Sinabi ni Advincula na sina Vice President Leni Robredo, Sen. Antonio Trillanes, Risa Honteveros, Leila de Lima, Chel Diokno at former Supreme court spokesman Theodore Te ang nasa likod para pabagsakin ang Duterte administraion. Mariin naman itong itinanggi ng Otso Diretso coalition. Kunsabagay paano na naman maisakatuparan ng mga inaakusahan na mapabagsak ang pamahalaan gayung wala na itong mga pangil. Lumalabas tuloy na “name your price” lang itong mga patutsada ni Advincula. Sumusunod lang siya sa agos

Hindi naman maitatwa na nang lumutang ito sa headquarter’s ng Integrated Bar of the Philippines sa Pasig City ay nalagay sa alanganin ang mga nag-organisa nito dahil bakit pinayagan si Advincula na magbulalas ng kanyang kasinungalingan. At ngayong nasa Camp Crame naman ay marami ang nainis kay PNP chief Albayalde sa panibagong bersiyon ni Advincula. Kaya si Sen. Lacson ay susuriin muna itong maigi at baka mapasama ang kasasapitan dahil basta-basta na lang nagbabago ng testimoniya si Advincula. Maging ang Ateneo at La Salle ay umalma sa patutsada ni Advincula na nagkaroon umano ng pagpupulong sa kanilang campus. Ano pa kaya ang isusunod na ibubulalas ni Advincula kapag isasalang na ito sa kanyang mga kasong estafa? Abangan!

vuukle comment

BIKOY

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with