EDITORYAL - Pawiin ang takot sa banggaan ng LRT-2
(Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

HANGGANG ngayon, naaalala pa ng mga commuters ng Light Rail Transit (LRT-2) ang nangyaring banggaan ng dalawang tren noong Sabado na ikinasugat ng 34 na pasahero. Malinaw na malinaw pa sa isipan ng mga pasahero na galing­ Cubao Station na mayroong sumalubong sa kanilang tren na galing sa Anonas Station. Para sa mga pasahero isang bangungot iyon. Wala silang magawa kundi hintayin ang pagsalpok ng tren na galing Anonas. At nangyari nga. Sa lakas ng impact, nawasak ang tagilirang bahagi ng tren na binangga at nahulog ito.

Hanggang ngayon din ay wala pang lumala­bas na imbestigasyon kung paano umandar na mag-isa ang tren habang nasa pocket tract. Pa­kunsuwelo naman ng LRTA, sa loob daw ng 16 na taon mula nang mag-operate ang LRT-2, nga­yon lang nagkaroon ng aksidente at tinawag itong “isolated case”. Sumamo ng LRTA na huwag daw matakot ang mamamayan sapagkat gumagawa na sila ng aksiyon. Nangako ang pamunuan na hindi na ito mauulit.

Sa nangyaring banggaan, nakita ang kawalan ng kasanayan ng LRTA sa pagtulong sa mga nasugatan. Reklamo ng isa sa mga pasahero walang nagsabi sa kanila ng mga gagawin nang magbanggaan ang dalawang train. Hindi raw sila makakilos sa loob sapagkat namatay ang ilaw. Marami sa kanila ang labis na natakot sa pang­yayari sapagkat parang hinintay na lamang ang pagbangga sa kasalubong na train.

Masusing imbestigasyon ang nararapat sa aksidenteng ito. Bakit umandar nang kusa ang train na nasa pocket track? Sino ang empleyado na nakasakay sa naka-park na train at bakit siya naroon nang maganap ang pag-andar. Bakit hindi niya nagawang pigilin ang pag-andar ng train?

Dapat ay malaman ang katotohanan sa insidenteng ito. Nararapat malaman ang tunay na dahilan. Sikaping mabatid ang “misteryosong’’ pag-andar ng train para hindi na maulit. Pawiin ang takot ng commuters.

LRT2 COMMUTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with