Sundalo, hindi pinasahod ng isang taon?
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

ANUMANG samahan o organisasyon, may pamantayan, regulasyon at batas na sinusunod. Sa alinmang paglabag, may karampatang parusa’t kabayaran.

Lalo na kung ikaw ay magsisilbi sa bayan, mas mahigpit ang mga patakarang ipinatutupad. Sa larangan ng hukbong sandatahan, hindi biro ang disiplina’t pagsunod ang kailangan.

Itong isang dating sundalo na lumapit sa BITAG, isang taon daw siyang nagserbisyo ng hindi man lang sinasahuran. May kumurot sa aking puso nang marinig ko ang kanyang sumbong. Bilang isang anak ng dating colonel, laki rin akong kampo, alam ko ang hirap at pa­nga­nib ng trabaho ng mga sundalo.

Nakakapagtataka rin kung bakit hindi siya nasasahuran gayung prayoridad ng ating Pangulo ang mga nasa serbisyo. Kaya maingat kaming nag-imbestiga sa reklamong ito.

Paglilinaw ni Lt/C. Ramon Zagala, Spokesperson ng Philippine Army nag-AWOL ang sundalong nagre­reklamo. 11 araw umalis sa kanyang post nang walang anumang pasabi. Personal problem ang rason ng nagre­reklamong sundalo na inunawa ng mga kasamahan at superior nito. Pero sa kabila raw ng tulong na binigay ng kanyang grupo gaya ng payo, tuluyan itong hindi na nagpakita na umabot sa 28 araw.

Malaking paglabag ito sa pamantayan ng Philippine Army at major offense ito na maituturing. May karampatang araw lamang na bibigyan ng pagkakataong makabalik sa duty ang nag-AWOL na sundalo at sakaling sumobra ito, awtomatikong wala na ito sa serbisyo.

Bumalik daw sa duty ang nagrereklamo pero huli na dahil wala na siya sa listahan bilang sundalo. Personal daw nitong magdesisyon na mag-duty kahit sinabi na ng mga opisyal na hindi na siya sundalo at wala siyang sahod. Sagot sa akin ng nagrereklamo, nagbabakasakaling mapatawad siya at maging considerate ang desisyon ng imbestigasyon dahil sa nagawa niyang pagkakamali.

Ayon pa kay Lt/C. Zagala, isang malaking konsiderasyon na ang ginawa ng pamunuan dahil idineklara nilang honourably discharged ang sundalo. Ibig sabihin ay binibigyan siya ng pagkakataon na mag-reapply muli sa sandatahan. Eto ang nagpagaan na ng loob ng nagrereklamong sundalo at nagbigay ng pag-asang makabalik ulit sa serbisyo.

Marunong kumilala ng legal na proseso at pamantayan ang BITAG. Adbokasiya ng aming grupo na magbigay linaw sa magkabilang panig at masolusyunan ang problema.

Bilang Pambansang Sumbungan, ora mismong gagawan ng hakbang ang bawat sumbong at reklamong dumarating sa aming action center. Ito ang pamantayan ng BITAG.

PHILIPPINE ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with