Kakampi
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

NAGKAROON ng kakampi si dating Ombudsman Con­chita Carpio-Morales, pero  mula sa ibang bansa. Bina­tikos ni Hong Kong legislator Ted Hui Chi-Fung ang ginawang pagpigil kay Morales noong Martes na makapasok ng Hong Kong, dahil banta raw sa kanilang seguridad. Katawa-tawa naman. Kasama ni Morales ang kanyang mga anak at apo para magbakasyon. Hiniwalay si Morales sa isang silid, at doon pinaghintay ng higit tatlong oras, kung hindi ako nagkakamali. Ang unang plano ay pabalikin ng Pilipinas, pero pinayagan ding makapasok, minabuti na lang nilang bumalik sa Pilipinas. Dapat lang dahil pinahiya na ang dating opisyal ng bansa.

Ayon kay Chi-Fung, “Looks like political reasons rather than security reasons were considered. Under the one country, two systems policy, the Hong Kong govern­ment has no legal basis to consider the court case that has nothing to do with Hong Kong.” Ang Hong Kong umano ay may mataas na uri ng awtonomiya sa mainland China, para mapanatili ang malakas na ekono­miya at iba pang sistema. Mukhang nakialam daw ang Beijing sa insidenteng ito. Wala raw dapat epekto sa mga batas nila hinggil sa imigrasyon ang isinampang kaso nina Morales at dating DFA Sec. Del Rosario. Kahit China pa raw ang kinasuhan, ang korte ang dapat magbigay ng desisyon, hindi imigrasyon.

Napakaraming ipinahayag ni Chi-Fung hinggil sa insidenteng ito. Hindi natakot sabihin na mali ang ginawang pakikialam ng Beijing sa Hong Kong. Humingi pa nga na dapat magpaliwanag ang Beijing, at baka maapektuhan ag reputasyon ng Hong Kong. Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Palasyo hinggil sa insidente. Ang narinig ko ay tutulungan ang dating Ombudsman. Ano kayang tulong ang ibibigay kay Morales?

Siguro kung kaalyado ng gobyerno ang pinigil, may maririnig tayo. Dito, wala. Ayaw mag-angat ng reklamo sa China. Kailangan maintindihan ng mga nagsasabing kasalanan ni Morales at sinampahan niya ang China kaya ipinagbawal na makapasok, na iba nga ang sistema ng pamamahala sa Hong Kong. Galing na sa taga-Hong Kong mismo, na wala raw batayan para pigiling makapasok si Morales, dahil labag sa kanilang batas ang pakikialam ng Beijing.

CON­CHITA CARPIO-MORALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with