Congrats Mayor Elegio Malaluan
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

INILAMPASO ng 9,293 votes ni Bongabong Mayor Elegio­ Malaluan, ng PDP - Lakas ng Bayan ang anak ni Rep. Rey Umali na si Jean Paulo Umali, ng Partido Fe­deral ng Pilipinas sa katatapos na election doon.

Si incumbent Mayor Malaluan ang nakakuha ng 21,741 votes samantala si Umali ay may 11,467 votes lamang.

Nagwagi rin ang bise alkalde ni Mayor Malaluan na si Vice Mayor Richard Candelario.

Si Mayor Malaluan, ang Secretary General ng PDP - Lakas ng Bayan sa Mindoro Oriental.

Ipinangako ni Malaluan sa kanyang mga constituents na pagbubutihin pa niya lalo ang serbisyo at tiwala ng mamamayan sa kanya.

Bukod dito ay pananatilihin ni Malaluan na maging malinis ang kanilang bayan.

Si Mayor Elgin ay 2nd termer Mayor ng Bongabong, Oriental Mindoro !

* * *

Palusot ng human trafficking syndicate sa NAIA T3, sabit

APAT na biktima ng illegal recruiter ang hindi pina­yagan makasakay sa eroplano sa NAIA Terminal 3 ng mga tauhan ng Bureau of Immigration Travel Control Unit, matapos makitaan na depektibo ang kanilang mga dalang dokumento.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dalawa sa mga ito ay wala ang mga pangalan sa talaan ng POEA - LAC kahit may ipinakita silang overseas employment certificate o OEC sa immigration officer ng magpa-departure exit clearance sila sa mga ito.  Niretoke ng dalawa ang kanilang edad at ginawang 25 taong gulang.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may polisiya ang gobierno na dapat ang mga OFWs, na mag-aabroad ay 23 years old pataas. Ito anila ay mapa-lalaki o babae para hindi magka-problema sa ka­nilang mga papeles oras na sinita sila ng BI sa pali­paran.

Ibinida ni Billy Cadang,TCEU deputy head sa NAIA T3 kay Erwin Ortanez, hepe ng TCEU, na nabuko nila ang apat na mga pasahero nang ipakita sa kanila ang mga dokumentong bitbit nila.

Sabi ni Cadang, agad nilang ipinaberipika ang OEC ng dalawa sa apat sa POEA - LAC pero hindi lumabas ang kanilang mga pangalan dito kaya peke ang kanilang ipinakitang OEC documents.

Ang dalawang nagpanggap na mature OFWs ay nabuko rin na underage matapos tignan ng dentista ang ngipin nila para malaman ang edad nila kung tama sa inilagay sa dokumentong bitbit nilang dalawa.

Sinabi ni Cadang, ang dalawa sa apat ay umamin na magta-trabaho bilang kitchen staff at waitress sa isang restaurant sa Dubai pero umamin din sila na domestic helper ang kanilang papasukan doon.

Ayon kay Cadang, ang dalawa ay inilipat nila sa I-ACT para sa masusing imbestigasyon dahil isang alyas “Rey” ang itinuturo nilang nag-recruit at nagbigay sa kanila ng mga dokumento pagpasok nila ng paliparan.

ELEGIO­ MALALUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with