EDITORYAL - Siguruhin na hindi mako-corrupt ang ROTC
(Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

BASTA inindorso ni President Duterte ang isang panukalang batas, tiyak na maaaprubahan ito, one hundred percent! Gaya ng batas na nagbabalik sa Reserve Officers Training Corps (ROTC). Inaprubahan na ito ng House of Representatives noong Martes. Nangyari ang sinabi ng Presidente noong 2017 na ibabalik ang ROTC.

Matatandaan na sinabi ng Presidente noon na ang pagbabalik sa ROTC ay isang magandang pa­raan para madisiplina ang mga kabataan at huwag mahikayat na gumamit ng illegal na droga. Nawa­wala rin daw ang pagmamahal ng kabataan sa bayan­ kaya mahalagang maibalik ang ROTC. Sa House Bill No. 8961, isasailalim sa ROTC ang mga estudyanteng nasa Grade 11 at 12. Magsisimula na ang ROTC ngayong school year 2019.

Wala nang makakatutol dito sapagkat isa nang batas. Kahit pa magprotesta ang mga ayaw sa ROTC, wala nang magagawa. Ang nararapat nga­yong isasailalim na sa ROTC ang mga senior high school dapat siguruhin ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) na hindi mababahiran ng corruption ang bagong ROTC. Tiyakin din ng AFP na walang magaganap na hazing at sexual harassment. Ipangako ng AFP na hindi na mauulit ang nangyari noong 2001 kung saan isang ROTC cadet ang pinatay ng mga kasamahan sa UST Corps of Cadet.

Ibinulgar ng kadeteng si Mark Welson Chua ang katiwalian ng mga kapwa cadet officers. Dahil sa pagbubulgar, brutal na pinatay si Chua. Sinakal siya hanggang mamatay. Nilagyan ng masking tape ang kanyang katawan, tinalian ang mga kamay at saka binalot sa carpet at itinapon sa Pasig River. Narekober ang kanyang bangkay makalipas ang ilang araw. Nahuli ang isa sa mga killer at nahatulan ng bitay su­balit may mga nakakalaya pa. Ang pagkakapatay kay Chua ang naging daan para buwagin ang ROTC.

Mula nang mangyari ang karumal-dumal na pagpatay, naging masama na ang imahe ng ROTC at para sa marami, hindi na ito dapat pang ibalik. Hindi lang naman sa pamamagitan ng ROTC maipakikita ang pagmamahal sa bayan. Marami pa namang ma­aaring gawin para maging makabayan.

RESERVE OFFICERS TRAINING CORPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with