Persona non grata?
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

NAPAPAISIP ako. Ang ginawa bang ‘di pagpapapasok sa Hong Kong kay dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ay nangangahulugang deklarado siyang persona non grata roon at sa ibang bahagi ng China? Obviously oo at hindi na kailangang sabihin ito.

Magugunita kasi na si Carpio-Morales at dating Fo­reign­ Affairs Secretary Albert del Rosario ay nagharap ng reklamo­ laban kay Chinese President Xi Jin Ping sa International Criminal Court  kaugnay ng ginagawang paninira ng China sa yamandagat sa West Philippine Sea sa pagtatayo nito ng artificial islands.

Ibig ding ipasiyasat nina Carpio-Morales at Del Rosario­ ang tila militarisasyong ginagawa ng China sa bahagi ng karagatang pinag-aagawan ng Pilipinas at China. Natural lamang na bilang mga mamamayang Pilipino, mabahala lamang tayong lahat sa mga ipinakikitang pagyurak sa ating dangal bilang bansa.

Magbabakasyon lamang sana si Carpio-Morales sa HK kasama ang pamilya pero siya’y pinigilan ng mga immigration officials at sinabing isa siyang security threat at dapat sumakay sa sumunod na eroplano pabalik ng Pilipinas. Ang ibang miyembro ng kanyang pamilya ay pinapasok maliban sa kanya.

Bagamat pribadong mamamayan na si Carpio-Morales, ang entry denial sa kanya sa HK ay maliwanag na base sa isang lehitimong aksyon ng sino mang mamamayan na nagmamalasakit lamang sa bansa. Ang gina­wang pagpigil sa kanya na makapasok sa HK ay sen­yales ng pagiging arogante ng China sa mga aksyong ginagawa laban sa naturang bansa na dumaraan naman sa prosesong legal.

Ang Ibig bang sabihin nito ay wala nang karapatang magreklamo laban sa China ang sino man o alinmang bansa kahit gumagawa na sila ng pang-aabuso na nakasusugat sa dignidad at soberenya ng bansa? Alam nating malakas na bansa ang China at ang ginagawa nating pagpuna ay malamang walang kahihinatnan. Ang sa ati’y pumupuna lamang tayo sa mga aksyong malinaw na pang-aapi sa ating pagkabansa at soberenya.

CONCHITA CARPIO MORALES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with