PCSO at PAGCOR, matinding kasangga ng BITAG!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

SA ORAS ng pangangailangan, pinansiyal man o me­di­kal, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang unang nilalapitan ng ating mga kababayan.

Magdadalawang dekada na ring kasangga ng BITAG ang PCSO sa pagtulong sa mga kababayan nating walang kakayahang magpagamot o matugunan ang kanilang mga problemang medikal.

Lingid sa kaalaman ng lahat, nandiyan din ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na handang magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga nangangailangan.

Sa kaso ng isang mister na lumapit sa BITAG Action Center noong Lunes, lumagpas sa P1 milyon ang hospital bill nila matapos atakihin ng seizure ang nagdadalantao niyang asawa.

Ligtas man ang kanyang misis, hindi naman pinalad ang kaawa-awang sanggol na mabuhay. Ang masakit pa nito, hindi sila pinayagang makalabas ng ospital dahil hindi mabayaran ang kabuuan ng hospital bill.

Nakapagbigay naman ng P37,000 ang PCSO bilang tulong ngunit hindi pa rin nito kayang punan ang lahat ng kanilang bayarin.

Kaya naman minabuti namin sa BITAG hingin na rin ang tulong ng PAGCOR na matagal na rin nating katuwang sa libreng serbisyo publiko.

Sa tulong ni Ms. Carmelita “Twinkle” Valdez, Asst. VP for Corp. Comm. ng PAGCOR, pinayuhan niya ang mister na ipasa sa kanilang tanggapan ang lahat ng requirements na kinakailangan upang maiproseso ang kanyang hinihi­nging financial assistance.

Nangako naman ang PAGCOR na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makatulong. Hindi lang naman kasi pagreregula at pagmo-monitor ng mga gaming business ang papel ng PAGCOR.

May mga proyekto rin ito para sa kapakanan ng publiko at mamamayang Pilipino. Mapatulong pinansiyal, medical, propesyunal o pangkabuhayang usapin man, bukas ang tanggapan ng PAGCOR.

Sa mga ganitong pagkakataon, hindi uubra ang atakeng brusko ng BITAG, walang magagawa ang katapangan ng programa sa ganitong uri ng reklamo. Maging kami ay mangangailangan ng assistance dahil hindi ito ang aming forte.

Ang PCSO at PAGCOR ay katuwang na ng BITAG sa ganitong uri ng serbisyo publiko simula pa noong 2002. Malaki ang pasalamat ko sa mga ahensiyang ito na handang tumugon sa aming mga inilalapit.

Kailanman, hindi kami nabigo at ang mga taong dumadagsa sa aming action center na nangangailangan ng ganitong klaseng tulong.

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with