^

PSN Opinyon

Magpaliwanag pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ITO ang pahayag ng Parish Pastoral Council for Res­ponsible Voting (PPCRV) sa Comelec sa naganap na pitong oras kung saan walang pumapasok na datos sa Comelec transparency server. Ang transparency server ay ang nagpapakita ng mga bilang ng boto o datos sa PPCRV, sa media at mga partidong poltikal, para mabantayan ang bilang ng boto. Pitong oras walang pumapasok sa server. Pag lipas ng pitong oras, nagdagsaan naman ang datos. ‘Anyare’, ika nga?

Ayon sa Comelec, nagkaroon umano ng “bottleneck” sa pagpasok ng datos sa transparency server. Tila sina­sabi ng Comelec na dahil sa rami ng datos na sabay-sabay pumapasok, nagkaroon ng trapik. Parang biglang lumiit ang EDSA sa isang eskinita kung saan isang sasak­yan lang ang kasya, kaya nagkaroon ng matinding trapik. Ito ang paliwanag ng Comelec. Pero may mga tanong pa rin, kahit tila may paliwanag na ang Comelec, na hindi rin kaagad lumabas.

Mahirap nga naman maintindihan ang paliwanag na iyan sa panahong ito ng modernong teknolohiya. Kung nagkaroon ng trapik, bakit sabay-sabay din pumasok ang lahat­ ng datos matapos ang pitong oras? Bakit hindi lang bu­magal ang pagpasok ng mga bilang? Ang nangyari ay walang pumasok ng pitong oras. Kung gagamitin natin muli ang paghahambing sa EDSA, biglang bumuka naman ang eskinita para makaraan na ang libu-libong sasakyan nang sabay-sabay. At kung iyan ang paliwanag, bakit hindi ito naganap sa mga nakalipas na halalan? 

Wala pa namang nakikitang abnormalidad ang PPCRV sa kanilang mga ginawang hakbang hinggil sa pagbilang ng mga boto. Pero kailangan pa ring magpaliwanag ang Comelec sa naganap na “bottleneck”. Pitong oras na walang nangyayari ay napakahaba para hindi mag-isip. Kung mano-mano pa rin ang bilangan, pitong oras na hindi dumarating ang mga ballot boxes matapos ang halalan ay sapat na dahilan para mag-isip. Sa panahon ng internet at modernong teknolohiya, mapapailing ka sa tagal na iyan. Ang dahilan na “na-trapik lang” ay mahirap tanggapin sa sitwasyong ito. 

vuukle comment

COMELEC TRANSPARENCY SERVER

PARISH PASTORAL COUNCIL FOR RES­PONSIBLE VOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with