^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Ba’t hindi kasuhan ang mga sinisibak?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Ba�t hindi kasuhan  ang mga sinisibak?

MULA nang maupo si President Duterte sa puwesto, marami na siyang sinibak sa puwesto dahil sa isyu ng katiwalian. Marami na rin ang nagbitiw. Noong nakaraang taon, kabilang sa mga nagbitiw sina Tourism Sec. Wanda Teo, Justice Sec. Vitaliano Aguirre at Labor Sec. Dominador Say.

Nagbitiw si Teo dahil sa controversial na P60-million ad deal sa pagitan ng DOT at People’s Television. Nagbitiw naman si Aguirre dahil sa kontrobersiya ng pagkakaabsuwelto ng confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at si Say dahil sa isyu ng contractualization o “endo”.

Pinakamaraming sinibak na Cabinet secretaries noong 2017 dahil sa isyu ng corruption. Kabilang dito sina DILG Sec. Ismael Sueno, Usec. Halmen Valdez, Peter Laviña ng National Irrigation Administration (NIA), Jose Gabriel La Viña ng SSS, Nicanor Faeldon ng Bureau of Customs at marami pang iba.

Ilan sa mga nabanggit ang ibinalik naman niya sa puwesto gaya ni La Viña na Usec ngayon ng Department of Tourism at Faeldon na chief ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nang dumalaw sa China ang Presidente dalawang linggo na ang nakararaan, sinabi niya na may sisibakin siyang isang mataas na opisyal. Hindi siya nagbanggit ng pangalan. Noong nakaraang linggo, isang araw makaraan ang election, inihayag ng Malacañang na sinisibak sa puwesto ang Food and Drug Administration (FDA) chief na si Nela Charade Puno dahil sa isyu ng corruption. Itinalaga ng Presidente si Puno noong 2016. Itinanggi naman ng dating FDA chief ang akusasyon ng corruption at handa siyang humarap sa imbestigasyon.

Noong 2016 na umupo sa puwesto ang Presi­dente, nagbabala na siya sa mga taong gobyerno. Basta raw may maamoy siyang singaw ng korap­siyon sa alinmang tanggapan ng gobyerno, sisibakin agad niya. Wala na raw tanung-tanong pa.

Kahanga-hanga ang mabilis na pag-aksiyon ng Presidente sa mga gumagawa ng katiwalian, lalo pa sa FDA na ang pangunahing responsibilidad ay siguruhin ang kaligtasan ng pagkain at gamot para sa publiko. Kapag pinasok ng katiwalian ang tanggapang ito, ang mamamayan ang apektado. Mas maganda rin naman kung kakasuhan ang mga opis­yal na naaakusahan ng katiwalian at hindi na rin ilalagay sa ibang puwesto.

vuukle comment

DOMINADOR SAY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with