^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itigil, pagpapadalang DHs sa Kuwait

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itigil, pagpapadalang DHs sa Kuwait

MAHIGIT isang taon mula nang mangako ang Kuwait na puproteksiyunan ang Pilipino workers sa kanilang bansa, meron na namang pinatay na domestic helper doon. At ang pumatay, mga amo nito. Bugbog ang buong katawan ng 47-anyos na si Constancia Dayag at patay na nang dalhin sa ospital noong Martes ng gabi. Nakita ang mga pasa at hematoma at ang kahindik-hindik, may nakapasak na pipino sa ari nito. Inaalam pa kung ginahasa ang kawawang Pinay na tubong Isabela.

Noong nakaraang taon, pinatay din ng kanyang amo si Joanna Daniella Demafelis, taga-Iloilo. Natagpuan ang bangkay ni Demafelis sa isang freezer sa abandonadong apartment sa Kuwait. Pinatay siya sa sakal ng mga amo nitong Lebanese. Dahil sa pangyayari, ipinag-utos ni President Duterte sa Department of Labor and Employment (DOLE) na itigil ang pagpapadala ng domestic helper sa Kuwait. Nahuli ang mga pumatay at nangako ang Kuwait sa Pilipinas na puproteksiyunan ang mga OFW doon. Lumagda ang Kuwait sa kasunduan. Inalis ang deployment ban.

Mula 2016 hanggang 2018, umabot na sa 196 overseas Pinoy workers sa Kuwait ang namatay at karamihan sa mga ito ay domestic helpers. Sa report ng DOLE, umaabot sa 180,000 ang OFWs sa Kuwait na binubuo ng domestic helpers, nurse, engineers, at iba pang skilled workers.

Nang magtalumpati ang Presidente noong nakaraang taon makaraang malaman ang nangyari kay Demafelis, sinabi nito na ano ba ang kasalanan ng mga Pinoy at ganito ang ginagawa ng mga Kuwaiti. Anong values mayroon daw ang mga Kuwaiti at minamaltrato ang Pinoy workers. Nawawalan na umano ng dignidad ang mga Pilipino sa ginaga­wang ito ng mga Kuwaiti. Hindi naman naringgan nang pagmumura ang Presidente.

Pero sa nangyari ngayon kay Dayag, maa­aring mag-“putang ina” ang Presidente sapagkat sobrang­ pahirap ang dinanas nito sa kamay ng amo. Bakit kailangang pasakan ng pipino ang ari? Sobra na! Masahol pa sa demonyo ang amo! Nara­rapat na itigil nang tuluyan ng Presidente ang pagpapadala ng DH sa Kuwait. Ito ang tamang pa­raan para matigil ang pang-aabuso sa mga Pinay worker.

vuukle comment

DEPLOYMENT BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with