^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Depektibong VCMs nararapat nang palitan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Depektibong VCMs nararapat nang palitan

MAHIGIT 400 vote-counting machines (VCMs) ang nagkaaberya noong Lunes, araw ng election. Dahilan para maantala ang pagboto ng mga tao at humaba ang pila. Mayroong dahil sa haba ng pila, umuwi na lang ang karamihan. Hindi rin kasi nila matagalan ang sobrang init habang naka­pila. At isa pang ikinainis ng mga tao, hindi masabi ng mga taga-Comelec at Smartmatic kung ano ang problema at nagkaaberya ang VCMs.

Karaniwang naging problema ay ayaw tanggapin ng machine ang isinusubong balota. Iniluluwa ito. Unang nasampolan si dating Vice President Jejomar Binay na walong beses isinubo ang kanyang balota at paulit-ulit ding iniluwa. Sa huli, pina­yagan din siyang mabigyan ng bagong balota pero kinailangan pang ipaalam ito sa mga matataas na opisyal ng Comelec. Hindi naitago ng dating VP ang pagkadismaya sa nangyaring aberya ng VCM.

Hindi lang ang pagkaantala sa pagboto ang na­ging problema kundi nagkaroon din ng depekto ang SD cards na naging dahilan sa pagkaantala ng pagbilang ng mga boto. Pasado alas nuwebe ng gabi ng Mayo 13 ay hindi pa gumagalaw ang bilangan dahil sa glitches ng VCMs.

Ang pangyayaring ito ang naging dahilan para mabanas ang mga senador at itinakda ang pag-iim­bestiga kung bakit nangyari ang ganitong glitches. Sabi ni Sen. Aquilino Pimentel, chair ng joint congressional oversight committee on the automated elections system, magsasagawa sila ng inquiry para malaman ang dahilan ng pagkakaroon ng aberya ng VCMs. Itinakda sa Mayo 20 ang imbestigasyon. Sabi ni Pimentel, marami siyang natanggap na report ukol sa pag-aaberya ng VCMs at kailangang malaman kung bakit ito nangyari. Ayon kay Pimentel bago raw ang election, sinabi ng Comelec na nakapasa na raw sa diagnostic tests ang VCMs. Ang tanong, bakit nagkaroon ng aberya sa araw ng election.

Kailangan ang imbestigasyon sa nangyaring ito. Dapat ipaliwanag ng Comelec at Smartmatic kung bakit nagkaroon ng glitches. Kung mapapatuna­yang marami na ang depektibo sa machines, dapat nang palitan ang mga ito. Ibang technology provider naman ang kunin para makasiguro na hindi magkakaroon ng glitches. Malaking problema kung ma­u­ulit ang glitches sa 2022 national elections. Ngayon pa lang ay isaayos na ang problemang ito sapagkat malaki ang posibilidad na maulit.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

VOTE-COUNTING MACHINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with