Kapag pulpol ka, yari ka sa BITAG!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2019 - 12:00am

ANG taong ayaw tumanggap ng pagkakamali at pinagtatakpan pa ang kasalanang ginawa ay isang pulpol. Abot-langit ang gagamitin niyang rason, makalusot lang sa kapalpakang ginawa.

Mas ginaganahan ang BITAG sa mga ganitong klaseng respondent o ‘yung mga inirereklamo. Mapapahiya ang sinumang susubok na paikutin kami sa kanilang mga kabuktutan.

Katulad nitong epal na, pulpol pang inspector ng DLTB. Hindi ko alam kung likas ang pagiging sinungaling, gustong magpakitang gilas o talagang nakatuwad lang ang kukote sa kanyang mga dahilan. Puwes, this is your moment Totoy, sisikat ka sa kagunggungan at katangahan mo. Pati tuloy kompanya mo, nilunod mo sa kahihiyan dahil sa pagpapakitang gilas mo. 

Matatandaang may mag-asawang lumapit sa BITAG Action Center na inirereklamo ang DLTB Co. dahil sa bagahe nilang nawala sa compartment ng bus.

Ang DLTB Co., pina-review ang putol na CCTV video ng kanilang terminal. ‘Yung parte lamang na iba ang kumuha ng bagahe ng mga nagrereklamo ang pinakita.

Dahil hindi sumagot sa telepono ang pamunuan nitong DLTB, binisita namin ang kanilang terminal sa Pasay. Terminal Manager n’yo mismo riyan sa DLTB ang nagsabi, may mali at pagkukulang ang konduktor ng bus kung saan nawala ang bagahe.

Pagdating sa inyong opisina, maayos na sana ang pakikipag-usap ng inyong HR staff. Sumablay nang umepal ang magiting n’yong inspektor.

Katwiran ng pulpol na inspektor, baka raw pagod ang konduktor kaya nawala sa isip niya ang responsibilidad sa mga bagahe. Jusmiyo! Napaka-baluktot na panga­ngatwiran!

Sa gitna ng usapan, ‘yung kumag na inspektor pa ang may ganang magtaas ng boses. Pero nang makitang pumalag ‘yung BITAG striker namin, biglang nabahag ang buntot. Umatras! Dahil hulog na sa BITAG ang kanyang kahunghangan, camera na namin ang pinagdiskitahan ng hinayupak. Kung ako lang nandoon, pagbibigyan ko ang kahilingan mong patayan ka ng camera.

Kayo r’yan sa DLTB Co., hihintayin namin ang resulta ng dalawang linggo n’yong imbestigasyon. Pinapaalala ko lang na nakatutok ang BITAG sa kasong ito.

Kami kasi rito sa Pambansang Sumbungan, hindi namin puwedeng palampasin ang mga reklamo ng kapabayaan at pagsasawalang bahala.

Uploaded na sa @BitagOfficial YouTube channel ang segment na’to na may pamagat na “Pulpol na Inspektor, Umepal sa Bitag!”

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with