Poll automation ayusin ng bagong Kongreso
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2019 - 12:00am

TIYAK naranasan ng maraming bagong mambabatas­ ang hirap ng ordinaryong botante sa halalan nu’ng Lunes. Isa lang sa kanila si dating Vice President Jejomar Binay, kumandidatong congressman sa Makati, na nahirapan sa vote counting machine. Nakailang subo siya ng balota sa makina pero ayaw itong tanggapin. Kinailangan pa siyang tumu­ngo sa Comelec national command center sa Manila para humingi ng pahintulot na palitan ang balota, na sa wakas ay tinanggap ng makina. Hindi kasalanan ni Binay na sumablay ang balota o makina. Pero maita­tanong sa Comelec: kung hindi siya dating pangalawang pinaka-mataas na pinuno ng bansa, sosolusyonan kaya ang problema niya? Hindi mabibilang ang ibang botante na, sa pagod sa haba ng pila sa presinto o sama ng loob sa pumalpak na makina, ay umuwi na lang.

Magpasa sana ng mga bagong batas para tularan ang automated election systems ng mauunlad na bansa. Sa US at Europe ang pakay ng automation ay padaliin ang pagboto. Ibig sabihin, walang pahirap sa botante sa paghanap ng pangalan sa Voters List, numero ng presinto, at public schoolroom kung saan boboto. Napanood ko sa California na ni hindi holiday ang halalan. Wala pang 15 minutos ang pagboto, kaya sa office breaktime lang isinisingit ang pagboto. Ang voter’s ID, parang credit card, ay sina-swipe lang sa verification gadget, tapos pasok na sa polling hall na maraming voting machines. Bubutasan ang chad sa balota o pipiliin ang iboboto sa screen. Tapos! Wala nang indelible ink o thumb mark. Walang singi­tan sa pila o sungitan sa isa’t isa. Walang pawis.

Nu’ng Lunes sinubukan sa maraming pilot precincts sa kapuluan ang voter identification verification system. Binayaran ito ng Comelec nang P1.2 bilyon -- pero low tech. Mabagal ang computer at wifi, at mahaba ang proseso. Bukod du’n pumalpak pa kaya kinailangang palitan ang halos 600 voting machines, na ginastahan nang P14 bilyon para bilhin, i-accessorize, i-deploy at bawiin, at ibodega. Nakagulo pa ito.

JEJOMAR BINAY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with