Ipagpatuloy ang paglilinis sa Manila Bay
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

NAGKASUNDO ang city government at DENR na linisin ang Manila Bay, mga ilog at estero sa Metro Manila. Baka raw abutin ng pitong taon bago tuluyang matanggal­ ang mga dumi at babalik sa dating anyo ang dagat na noo’y dating pasyalan ng mga turista. Kung maibabalik sa dati ang Roxas Boulevard ito ay isang napakagandang tourist­ attraction lalo nat napapaligiran ng naggaganda­hang hotel at malls.

Sana kahit magpalit na ng Presidente ay ipagpatuloy lang ang nasimulang paglilinis. Malaking responsibilidad nito ang LGU at mga barangay. Sila ang manghuhuli sa mga walang disiplina nating kababayan na walang ginawa kundi magtapon ng basura kung saan-saan. Nakaka­awa ang hitsura ng mga tagalinis sa ilog at estero. Nilala­ngoy nila ang kasula-sulasok na tubig na hindi mo alam kung anong klaseng dumi ang kanilang nakukuha. Pero karamihan diyan ay plastic.

Siguro kung bibilisan ng konti ang paglilinis ay kayang tapusin dahil duda akong ipagpapatuloy ‘yan ng susunod na Presidente lalo na’t ang mananalo ay hindi kaalyado ni President Digong. Marami namang nagbubolun­tar­yong namumulot ng basura kaya pasasaan ba at mali­linis din ‘yan. Ang problema lang ay ang mga nakatira sa paligid ng Manila Bay at ilog. Sinasalo ng tubig ang kanilang mga basura at dumi nila ay diretso rito. Halos silang lahat ay walang kubeta. Ang masama nito dito sila naliligo at nangunguha ng yamang dagat upang ibenta at ulamin.

Sa kasagsagan ng kampanyahan sa nakaraang elek­syon, narinig na naman sa mga kandidato ang pabahay na sa tuwing eleksyon lang nila naaalala. Puro salita kulang naman sa gawa. Kung gusto n’yong bumalik ang dating ganda ng Manila Bay tanggalin lahat ang iskuwater na naninirahan sa tabing dagat.

Mahirap na trabaho pero kung magtutulung-tulong ay kaya natin dahil walang problemang hindi nasoso­lus­yunan.

MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with