‘Ginawa ko ito para sa inyo’ -- Doc Willie Ong
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

Congratulations sa lahat ng nanalo. Sana gabayan kayo ng Diyos sa mga desisyon ninyo. Nandito lang ako kung kailangan n’yo ng advice sa kalusugan at iba pa. Ready ako tumulong sa lahat, basta para sa mahihirap.

2. Wow! Sobra akong nagulat sa 7.4 million plus na bumoto sa akin! Akala ko nananaginip pa ako eh. Sobra ang pasasalamat ko sa bawat isa sa inyo.

God’s will po lahat iyan. I am very contented. Hindi ako nagkamali sa senyales ng Diyos sa buhay natin.
Mula sa #23 sa survey at 62 candidates, nakaangat ako sa #18.

Laking blessing na iyan sa atin.

Biro n’yo. Walang campaign donations. Walang gastos. Wala TV, radio ads. Walang endorsement ng pulitiko. Halos walang tarpaulin. Wala lahat. FB at Puso lang. Naka-7.4 milyon tayo! Fifty percent awareness pa lang ako eh.

Ngayon promise ko sa Panginoon, gagamitin natin ang suporta ng tao sa mabuting bagay. Saan man tayo dadalhin.

Hahanap po tayo ng mga paraang makatulong sa mas marami sa mga susunod na buwan dahil maraming maysakit at mahirap ang nag-aabang ng agarang tulong.

Sa mga nakakaintindi sa pulitika. Sa mga nakakaintindi sa nais ng Diyos. Alam n’yo na - God’s victory ito.

Hindi natutulog ang Diyos.

Napatunayan natin na -- Mahal tayo ng Diyos at mahal namin kayo! 
Amen. -- Doc Willie Ong at Doc Liza

Note: Salamat sa lahat nang nagdasal, naghirap at umiyak. Hindi ko na alam paano ko kayo mapapasalamatan bawat isa. Utang ko lahat ng ito sa inyo!

WILLIE ONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with