Natapos muli
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

NAGANAP at natapos muli ang isang halalan sa bansa. Marami ang nagbansag sa 2019 midterm elections na isa sa pinakamahalaga at makabuluhang halalan, dahil­ dito makikita kung magpapatuloy ang popularidad ni President Duterte o hindi, na may epekto sa darating na pambansang halalan sa 2022. At batay sa mga pumapasok na resulta, mukhang magpapatuloy nga. Salamat naman at ang kabuuan ng eleksyon ay mapayapa.

Anuman ang iyong katayuan, partido, grupo o pani­niwala, ipagdasal na lang natin na ang mga nanalo ay tunay na magsisilbi nang maayos sa bansa, at hindi sa sariling interes na madalas karaniwan sa mga taong nasa posisyon sa gobyerno. Tandaan na kahit walang lantaran na “pork”, may mga pagkakataon na makakahawak pa rin ang mga mambabatas at opisyal ng malalaking halagang pera. Hindi talaga nawala ang pondong ito, na siya ngang naging dahilan ng pagkaantala ng budget para sa taong ito. Ang tukso para personal na hawakan ang mga malalaking halagang pera ay hindi matiis ng ilan.

Hindi rin daw magiging “rubber stamp” ang Senado, at mananatiling “transparent and independent”. Ngunit ilang beses ko na rin narinig iyan mula sa mga nanalong senador. Pero kapag panahon na para magdesisyon, mananatiling papaboran ang anumang nais ng Pre­sidente. Ngayong mga kaalyado na ng Presidente ang mayorya ng Senado at Kongreso, ano na ang magiging kabuluhan ng oposisyon? Ito nga ang dahilan kung bakit kailangan ng oposisyon, para mabantayan, hindi kontrahin nang walang dahilan, ang lahat nang nagaganap sa dalawang kapulungan ng Kongreso, para sa benepisyo ng mamamayan. 

Sa isyu ng pag-imbestiga ng Kongreso ng mga aberya­ mula sa mga depektibong vote counting machines (VCMs), siguro kailangang maimbestigahan lang kung bakit tila sunud-sunod ang mga aberya o problema ng mga nasabing VCMs, nang kailangan nang ipadala ang mga resulta. May nagpapanukala na bumalik na lang sa dating aktuwal na pagbibilang ng mga boto. Ewan ko kung praktikal pang gawin iyan sa panahon ngayon. Baka ang kailangang imbestigahan ay ang mga sistema at hakbang na may kinalaman sa pag-transmit ng mga resulta, kung magiging patas ang imbestigasyon.

2019 MIDTERM ELECTIONS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with