Pambansang sumbungan–BITAG
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2019 - 12:00am

(Aksiyon ora mismo)

LABIMPITONG taon na ang BITAG sa telebisyon at sa loob ng mahabang panahon na ito, BITAG word became a household name.

Naging adbokasiya na ng BITAG ang serbisyo publiko. Sa tulong ng maykapal, nakakatugon ang BITAG na mapunan ang pangangailangan ng mga lumalapit sa aming action center.

Tumatak sa maraming Pilipino dito man sa Pinas o abroad ang estilo ng pag-aksiyon at pagtulong ng BITAG. Walang script, walang drama’t pawang mga totoong nangyari at laman ng aming camera ang mapapanood.

Bilang “Pambansang Sumbungan”, mainit ang mata ng mga kritiko at mga tinamaan sa mga ginagawa ng BITAG. Bawat galaw, at estilo ng aming aksiyon ay may batikos – sabagay, you can’t please everyone. Well, we are not even bother trying.

BITAG’s No. 1 rule ay kunin ang magkabilang panig. Ibi­nibigay namin ang karapatang mapakinggan ang magkabilang panig. Layunin lamang namin na masolusyunan ang isang problema at maaksiyunan ang anumang sumbong .

Simple lang din ang lengguwahe ng BITAG lalo sa mga inirereklamo, kung maangas at bastos ang asta mo ay mas barubal ang makikita mo sa amin. Kung maayos ang pakikitungo mo, siguradong masosolusyunan agad ang isang problema.

Hindi naman isang entertainment show ang BITAG para maging katatawanan, kaaliw-aliw o kahali-halina ang mga videong mapapanood. Mga totoong emosyon, kaga­napan, matensiyong paghaharap at hindi acting lang ang lagi niyong mapapanood, simula noon hanggang ngayon.

Aksiyon ora mismo! Eto ang tatak ng BITAG, ang Pambansang Sumbungan. Katuwang ang mga alagad at tagapag-patupad ng batas, tamang ahensiya ng gobyerno’t pri­bado, hatid ng BITAG ay agarang solusyon.

Ang aming panawagan, kung kayo ay biktima ng anumang uri ng pang-aabuso, pagmamalupit, pananakit, panloloko at panga-agrabiyado, takbo na sa Pambansang Sumbungan, ang BITAG! Anomalya, kalokohan, iregularidad sa komunidad, pagsasalaula ng kalikasan, #ipabitagmo

Ang aming action center ay matatagpuan sa The Richwell Center, 102 Timog Ave., Quezon City

Kung kayo’y nasa malalayong probinsiya o nasa labas ng bansa, ipadala ang inyong mga sumbong sa aming mga Facebook accounts, Bitag Live, Bitag The New Generation at Bitag Multimedia Network o sa e-mail add na bitagpambansangsumbungan@gmail.com

Lakipan lamang ng mga larawan o video ang inyong mga sumbong at reklamo. Malaking bagay ito para sa imbestigasyong gagawin ng grupo ng BITAG.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with