PH masamang dinanas sa mga tren mula China
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2019 - 12:00am

SABLAY ang dalawang pagbili ng Pilipinas ng tren mula China. Ang una, 32-km Manila-Malolos commuter line, ay ni hindi nasimulan. Pero binayarang buo ng Pilipinas ng $630-M (P31.5-B) ang China maski wala namang tren at riles. ‘Yung pangalawa, 48 bagon para sa MRT-3, ay hindi sinertipikahang ligtas at maayos. Siyam nu’n ay ginagamit -- sa labis na panganib sa buhay -- dahil lang kapos sa bagon ang MRT-3.

Ganunpaman, binabandila ni U-Sec for Railways Timothy­ Batan na pinaka-mabuting supplier ang China. Kesyo­ raw sa kapabilidad at karanasan, China lang ang makaka­tugon sa pangangailangan ng Pilipinas. Tila ang pinaka-mataas na opisyal sa riles ay walang muwang sa Northrail at Dalian. Inietsa-puwera niya ang ibang bansa sa 639-km Manila-Bicol long haul, Clark-Subic line, at 102-km Digos-Davao-Tagum circumferential railway. Nakakalungkot, nakakakilabot.

Hindi ko sinasabing palpak ang industriyang riles sa China. Tren ang nagdudugtong sa daan-daang lungsod doon. Naglalatag ng light at heavy rails sa bilis na 10 km kada araw. Magagandang bagon ang umaakyat sa Tibet, at tumatakbo sa Beijing at Shanghai sa loob ng pitong oras. Halos 6,300 ang cargo runs sa Central Asia nu’ng 2018 lang. Ang ‘di-mabilang na pagsakay ko sa China ay para ring sa Europe at Japan.

Pero sa pagbenta ng tren sa abroad malimit madiskaril ang China. Kelan lang nagsoli ang Singapore, Malaysia, at Pakistan ng depektibong bagon, at ang Australia at New Zealand ng peligrosong locomotives. Palpak ang quality control patungong ibang bansa.

Mali ang P3.8 bilyong mga bagon ng MRT-3 mula Dalian­ Locomotive and Rolling Stock Corp. Bawat isa sa 48 ay overweight nang 3.3 tonelada; nakaka­­basag ng riles. Hindi akma ang chassis sa P200 mil­­yong hoist sa depot, kaya hindi mamentena. Nilabag ang specifications: hindi tinesting sa pabrika ang 94 components (auto-doors, preno, gulong, atbp.).

Bakit trinutrumpeta ni Batan na mahusay ang China? (Itutuloy)

MRT-3 RAILWAYS TIMOTHY­ BATAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with