Unang impresyon
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

HINDI pinapasok ng pamunuan ng NAIA ang mga puting taxi sa Terminal 1 dahil sa video kung saan isiniwalat ng dalawang Austrian tourist ang karanasan nila habang nasa puting taxi. Humingi ng karagdagang singil ang taxi driver­, dahil mabigat umano ang kanilang mga maleta. Nang umalma­ sila, huminto at pinabababa ang mga turista. Nakiusap na dalhin lang sila sa patutunguhan. Pero niligaw at pinahaba ang biyahe para malaki ang babayaran. Nakilala naman ang abusadong driver. Kakasuhan ito. Ayon sa driver, maysakit ang nanay niya. Hindi naman nalaman kung totoo nga.

Dumami na umano ang mga reklamo sa puting taxi dri­ver kaya minabuti ang pagbawal sa Terminal 1. Pinag-aaralan kung ipatutupad ang parehong patakaran sa Terminal 2 at 4. Kakayanin daw ng mga coupon taxi ng airport, pati na rin ng ibang paraan ng transportasyon tulad ng airport bus at Grab.

Ang airport ang nagbibigay ng unang impresyon sa mga dumarating na turista. Hindi ba ilang beses din naging numero uno ang NAIA sa pinakamasamang paliparan sa mundo, batay sa mga opinyon ng turista? Pero sinikap na ayusin ang lahat ng problema – mainit dahil walang aircon, pila sa imigrasyon, palikuran, upuan, makakainan at tanim-bala – para tuluyang mawala sa masamang lista­han. Pero ganun na nga, ang mamamayan pa rin ang mag­papasama sa imahe ng bansa. Dahilan ba ang panganga­ilangan, para gumawa ng krimen o kasamaan?

Kung masosolusyunan ang mga reklamo ng turista sa puting taxi, ituloy ang pagbawal. Maaaring malupit na solusyon, pero isipin na rin ang dahilan. Kung naging maayos lang sana ang pakikitungo ng driver sa kanyang mga banyagang pasahero, wala na sanang pinag-uusapan. Hindi inisip ang kapangyarihan, bilis at bangis ng social media, lalo na kung reklamo sa isang bansa ang paksa.

AUSTRIAN TOURIST TAXI DRI­VER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with