China kriminal na bansa: winawasak ang kalikasan
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2019 - 12:00am

NU’NG Abril 2012 nagsumbong ang mga Pilipinong ma­ngingisda sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Inaani ng mga Hainanese ang taklobo (giant clams), fan corals, at sea turtles sa Scarborough Shoal. Labag lahat ‘yon sa batas ng Pilipinas at mundo. Dahil hindi agad masamahan ng Philippine Coast Guards ang BFAR, humingi ng tulong sa dumadaan na barko ng Philippine Navy. Sinita ng Pilipino sailors ang 24 na bangkang Hainanese na puno ng kontrabando. Sinaklolohan ang huli ng siyam na armadong barko ng Chinese coast guards at maritime enforcement. Nagkagirian bago umatras ang barkong Pilipino. Nanatili ang mga mapangwasak na Hainanese at mga armadong alalay nito.

Nu’ng 2013-2014 inagaw ng Beijing ang pitong bahura sa 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas. Tinambakan ng na-dredge na buhangin ang gitna. Nagkonkreto ng mga pier at landing strips para gawing artificial island fortresses. Winasak ang mga pangisdaan.

Abril 2016 nabisto sa aerial photos ang sitwasyon sa Scarborough. Mahigit 500 ektarya ng corals ang winasak sa pag-ani ng taklobo. Pagkain at gamot ang laman, dekorasyon at alahas ang shells. Hindi tumigil ang Hainanese. Sinusuportahan pa ng gobyerno nila.

Hulyo 2016 pinasya ng UN court na labag sa international law ang pagbawal ng Beijing sa mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal. Hindi pinansin ng Beijing ang korte; kesyo raw sa kanila ang bahura.

Setyembre 2016 itinatag ng Beijing ang fisheries militia sa Sansha, garrison sa Hainan. Binigyan ng kagamitan at sinanay ang libu-libong Hainanese sa paghuli umano sa mga mapanirang mangingisda, lalo na ng taklobo, fan corals­, sea turtles, pating, at dolphins.

Pero pinaligiran ng Chinese militia ang Pag-asa Island, bahagi ng Palawan, para mangisda sa teritoryo ng Pili­pinas. At na-video ng ABS-CBN nung Abril 2019 ang pa­tuloy na pagbareta ng corals sa Scarborough para hakutin ang mga taklobo. Kriminal na bansa ang China.

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES CHINA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with