Nagkulang o talagang adelantado lang?
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2019 - 12:00am

HINDI ko gawaing mambastos ng mga indibidwal na nasa serbisyo at naka-uniporme. Lalong hindi ko estilong palam­pasin ang kabuktutan at maling gawain kahit anong uniporme pa ang suot mo.

Maaaring nagkulang sa pag-iimbestiga o talagang umiral ang pagka-adelantado nitong isang pulis Panga­sinan na inireklamo sa BITAG.

Ang sumbong ng isang biyuda na half-Brazilian, inararo ng isang kotse ang kanyang karinderya. Nagkaroon din siya ng mga pinsala sa katawan at umabot ng P60,000 ang kanyang nagastos sa pagpapagamot. Ang siste, hindi na niya mahabol ang nakabangga sa kanya dahil ini-release nitong imbestigador na pulis ang sasakyan ng wala pa namang hatol ng hukuman. Kasalukuyang nasa mediation status pa lamang sana ang dalawang panig.

Isa itong malinaw na paglabag sa ilalim ng mga reg­lamento ng hukuman ayon kay Atty. Batas Mauricio. Hindi dapat pahintulutang i-release ang isang sasakyang sangkot sa isang krimen katulad ng banggaan dahil isa itong physical o material evidence. Dagdag ni Atty. Batas, hangga’t hindi nagkakaroon ng matagumpay na mediation ang nakabangga at ang biktima ay walang sinuman ang may karapatang pakawalan ang sasakyan mula sa impounding area maliban na lamang kung pinahintulutan na ito ng hukuman.

Para sa patas na pamamahayag, tinawagan namin ang pulis sa ere at mautal-utal ito kapapaliwanag. Hindi alam ang isasagot dahil alam niyang hindi tama ang kanyang ginawa. Malaki ang respeto ko sa dalawang mataas na opisyales ng PNP na akin ding kaibigan kaya nakapagkontrol akong ligwakin ang aking kausap.

Unti-unti rin naman itong umamin na may pagkukulang siya sa imbestigasyon at handang ituwid ang kanyang pagkakamali.

Kung tutuusin, mabigat ang pananagutan ng kolokoy na pulis-Pangasinan na ‘to kapag napatunayang wala namang utos ang hukuman na ilarga ang isang potensyal na ebidensiya. Maituturing na contempt of court o kaya naman dereliction of duty ng isang uniformed officer kasi ang kanyang ginawa.

Mas malala kapag naging batayan ito para sa kasong graft and corruption dahil lumalabas na nabigyan ng pabor ang isang partido ng walang basehang legal.

Ang serbisyo publiko ng BITAG, patas at bukas ang lahat ng pagkakataon na maitama ang anumang pagkakamali, magkasundo ang dalawang panig at masolusyunan ang problema.

Ang Pambansang Sumbungan, hindi lang puro dada at brasuhan, lagi kaming may pinagbabasehang legal.

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with