Masanay na
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2019 - 12:00am

HINDI ako makapaniwala nang malaman na may negosyo­ sa Pilipinas na mga taga-China lang ang gustong paruk­yano. May kainan umano sa Las Piñas, kung saan mga taga-China lang ang parukyano. Ang menu pa umano ay nakasulat sa titik ng kanilang wika. Bakit pinapayagan ang ganitong sistema, kung saan mga Pilipino pa, sa sariling bansa, ang nakakaranas ng diskriminasyon? Pati ba mga “Tsinoy” ay hindi puwedeng kumain doon, o puwede? Ano ang iniisip ng may-ari ng negosyong ito, para ipatupad ang ganyang patakaran? At bakit binigyan ng pahintulot ng lokal na pamahalaan ang ganyang klaseng negosyo?

Natural, naging malakas ang panawagan na ipasara na ang nasabing kainan. May ilang mambabatas ang sumang-ayon sa panawagan. Iimbestigahan din daw ng Palasyo, bago kumilos. Dapat may mabilis na resulta at gaano ba kahirap magtungo sa nasabing kainan, at alamin kung totoo nga na mga taga-China, maging galing mainland o mga Tsinoy lang ang nais na kliyente. Kung totoo, hindi ba ito “hard slap” sa mga Pilipino? Hindi puwedeng ipagpatuloy ang pahintulot sa nasabing kainan, kung totoo ang mga akusasyon. Kapag pinabayaan, hindi magtatagal ay maraming susunod sa kanilang ginawa. Mapapailing na lang talaga sa pag-iisip ng ilang taga-China na sila ang naghahari-harian sa bansa.

Katulad ng mga negosyong umusbong sa Boracay, na pag-aari ng mga taga-China. Ang nakasulat sa mga kara­tula ay titik ng kanilang wika, na sila-sila lang ang nakakaintindi. Kung may Ingles o Tagalog na salita ay wala namang isyu at ganun din naman sa ibang bansa kung saan maraming turista. Hindi naman nakapagtataka kung bakit ganyan na kakampante ang mga taga-China sa bansa, sa madalas na pagpuri ng Presidente sa China.

Tumaas daw ang bilang ng turista sa bansa sa unang ikaapat na bahagi ng taon. Nangunguna ang South Korea at pumapangalawa ang China sa bilang ng mga turista. Hindi ako magtataka kung manguna ang mga taga-China sa katapusan ng taon. Baka kailangan nang masanay sa lahat na may kinalaman sa China, dahil sa administrasyong ito.

BORACAY CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with