Kabuktutan ng amang pulis, itinuwid ni Gen. Eleazar!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2019 - 12:00am

MARAMING kaso na kung saan itinatakwil ng ilang pulis ang kanilang mga anak sa labas.

Ayaw panagutan ang kanilang mga responsibilidad na paaralin at suportahan ang mga ito. Ang dahilan, sila’y takusa (takot sa asawa) o di kaya, sila’y talagang mga putok sa buho.

Ganito ang reklamong idinulog sa aming action center ng isang lolo hinggil sa kanyang apo na ayaw kilalanin ng isang pulis Maynila.

Sa aming mga isinagawang surveillance, nakumpirma ng BITAG ang pagtatakwil ng kolokoy na pulis sa kanyang 16-anyos na anak sa labas.

Ilang beses pinagalitan at itinaboy na parang pulu­bing nanghihingi ng limos ang bata sa kanyang opisina.

Kung sa ibang mga pulis heneral o hepe, hindi pakikialaman ang ganitong personal na problema.

Pero iba si National Capital Region Police Office chief, Gen. Guillermo Eleazar nang idinulog namin ang reklamong ito sa kanya.

Naawa siya sa bata na ang gusto lamang ay makapag-aral at maging pulis tulad ng kanyang ipinagma­malaking-ama kahit na tinatakwil siya nito.

Sinagot pa nito ang isang taong tuition ng bata sa kolehiyo para makapag-aral ng pagpupulis.

Eto ang tunay na pulis! Kinikilala at pinangangata­wanan ang moral at social responsibility sa kanilang nasasakupan at komunidad.

Sa tanggapan ni Eleazar, ipinatawag niya ang tatay na pulis, ang nagrereklamong lolo at apo. Sinabihan niya, “be man enough, panagutan mo ang responsibilidad mo!”

Bagamat sinabi ni Eleazar na kamukha ng pulis ang bata, naghamon pa rin ang pulis na kikilalanin lamang niyang anak ang bata kung lalabas sa DNA test na siya nga ang ama nito.

Tinanggap namin ang hamon ng kolokoy na pulis kaya hindi dito natatapos ang imbestigasyon ng BITAG.

Panoorin ang part 1 ng istoryang ito na kasalukuyang trending sa YouTube. May pamagat na “Pulis, anak itinakwil! Gen. Eleazar: Panagutan mo!”

Narito ang link sa YouTube TV Channel ng @BitagOfficial:  https://youtu.be/RQFiKxLIiQY

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with