10 gabay sa ‘ikigai’, ikasasarap ng buhay
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2019 - 12:00am

SALITANG Hapones ang “ikigai”, ibig sabihi’y rason kaya ka nandito sa mundo. Kahulugan ‘yun ng buhay, kung bakit ka bumabangon tuwing umaga. Kumakalat sa online ang 10 gabay na ito sa “ikigai”, isina-Pilipino ko, upang makatulong manamnam ang bawat sandali:

 (1) Manatiling aktibo; huwag magretiro. Ang mga bumibitiw sa pinaka-gusto niyang gawin ay nawawalan ng gana sa buhay. Importante na gawin pa rin ang nagpapahalaga, nagpapaunlad, nakakatulong sa iba.

(2) Easy lang. Sa pag-aapura nasisira ang kalidad ng buhay. Ika nga, “dahan-dahan ang pag-akyat sa pandakake at baka mabali.”

(3) Huwag magpakabundat. Sa pagkain, mas mahaba ang mararating sa konti. Para manatiling malusog, ayon sa “80% rule”, kumain nang mas konti kaysa naramdamang gutom.

(4) Paligiran ang sarili ng mabubuting kaibigan. Pinaka-mabisa silang gamot -- mapaghihingahan ng sama ng loob, mahihingan ng payo, magpapasaya ng araw, makakasama sa pagplano -- buod ng buhay.

(5) Magpakalusog para sa susunod na birthday. Ka­ila­ngan ng katawan ng alaga at exercise araw-araw. Masarap pa ang pakiramdam.

(6) Ngumiti. Nakaka-relax ang pagiging masayahin; nakakaakit ng kaibigan. Hindi lahat maganda sa buhay, pero hindi rin lahat pangit.

(7) Makiisa sa kapaligiran. Bagamat karamihan ng tao ay nakatira sa siyudad, ang katawan ay bahagi ng natural na mundo. Limitan ang pagbalik dito, para ma-re­charge ang ating baterya.

(8) Magpasalamat. Sa mga ninuno, sa kalikasan na nagbibigay ng hangin at pagkain, sa mga kaibigan at ka­anak, sa lahat ng nagbibigay liwanag sa buhay. Mapapansin mong lumalago ang iyong kasiyahan.

(9) Namnamin ang ngayon. Tigil ang pagsisisi sa nakalipas at kaba sa kinabukasan. Ang meron ka ay ngayon. Gawin itong makasaysayan.

(10) Tahakin ang iyong “ikigai”. May nag-aalab kang saloobin at galing na nagtutulak sa iyo sa pinaka-kaya mo -- hanggang sa huli.

“IKIGAI”
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with