Mga ugali, pananaw ng Pilipino sa trabaho
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - April 30, 2019 - 12:00am

LAHAT ng tao -- lalaki o babae, bata o matanda, malakas o sakitin, mayaman o mahirap, sa siyudad o nayon -- kaila-ngan magtrabaho. Hindi lang ito para sa pangkain o panggastos, kundi para sa katinuan ng indibidwal at katiwasayan ng lipunan. Kaya sinaunang panahon pa, inaral na ng mga pilosopo at tinulaan ng mga makata ang paggawa.

Nu’ng dekada-’80 sinikap ng Pilipinas bumangon mula sa pagkalumpo ng ekonomiya matapos patalsikin si Diktador Marcos. Maraming pagsusuring ginawa tungkol sa ugali at pananaw ng Pilipino sa trabaho. Pinangunahan ito ng mga eksperto sa lipunan, sikolohiya, paggawa, pamamahala, at mga unyon.

Merong ilang napansing masasamang asal. Halimbawa, ang “Puwede na ‘yan”, o pasado na miski pangit ang trabaho. Naroon din ang “Bahala na”, o kawalan ng pahalaga kung tama o mali ang ginawa. Meron ding “Akala ko kasi e”, o kulang sa pagsusuri at sentido komon, na dapat sagutin ng, “Basta akala, mali!” Merong mga manggagawang mahusay sa remedyo; pero hindi ito puwede sa mga industriyang high-precision, tulad ng aircraft maintenance, microchips, o medisina. Nakakabuwisit ang mga hindi pinaghahandaan ang trabaho, kulang-kulang sa kagamitan, parating late dumating, mapagpintas, mapang-intriga, walang kusang tumulong sa iba.

Pero katapat ng lahat ng masasamang ugali at pana­naw ay maiinam na solusyon. Kabilang ang patuloy na pagsasanay sa manggagawa sa kanyang specialty o sa ibang linya. Pagbuo ng quality circles sa mga pabrika para suriin ng mga empleyado ang sarili, tularan ang mahuhusay, at gawing mas produktibo ang departamento. Sama-samang pasyal para maging malapit ang managers at rank and file. Bukas na pinto para madaling lapitan si boss. At sinserong bigayan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ATTITUDE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with