‘I am a hard-hitter, I can be hit hard as well’
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2019 - 12:00am

I AM a hard-hit journalist. Unfiltered at straight forward kapag nagpakawala ako ng mga salita sa pag-aanalisa ng mga issue.

Maraming magagalit, mamumuna, kokontra o sasang-ayon. Wala akong magagawa, that’s your opinion and perception to what I’ve said.

Pero marunong akong tumanggap ng mga reaksiyong ito. Mapa-bastos man, bashing, mura, akusasyon, lahat may karapatang magpahayag ng kanilang saloobin at opinyon.

Of course, I’m a hard-hitter so I understand that I can be hit hard as well. This is the true essence of democracy, we can freely speak our mind for and against each other.

By the way, my opinion and all others’ are no different. It’s the style that makes it distinctive sa iyo, sa kaniya at sa ating lahat.

Ang gusto ko lang linawin, ako si BITAG, do not take side. I know how to take a stand. And with sincerity, honesty­ and truthfulness, you will hear me talking.

Hindi ko estilo o intensiyong manakit ng damdamin, mang-insulto o mambastos. Ang pagkokomento ko, hindi­ base sa pagkatao kundi sa ginagawa mismo ng tao.

Marunong ako rumespeto ng mga talento at abilidad na kaloob ng Diyos. Dahil pinagkalooban din ako ng karu­nungan na makakita ng sa tingin ko ay mali – magkakaiba lang tayo ng estilo kung paano ipahayag ito.

Anyway, this is not a popularity contest at hindi rin entertainment ang mga programa ng Bitag Multimedia Network. Ipinakikita namin ang katotohanan at realidad ng lipunan, hindi yung kung ano ang ikatutuwa at magugustuhan lang ng publiko.

Truth hurts, kadalasan nabubulagan lamang ang iba sa atin kung paano tanggapin ang katotohanan. Hindi ko kayo masisisi, magkakaiba ang pananaw ng bawat indibidwal.

If you think that I am arrogant or bullish, then thank you. This is my style, this is BITAG.

Ang tanong, handa ka ba sa resulta o resbak ng iyong mga pinaggagawa o sinasabi? I am.

BEN TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with