^

PSN Opinyon

Ipaglaban ang ating karapatan

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NADISMAYA ako sa inasal ng spokesman ni Pres. Digong Duterte kung lagi tayong magpapakumbaba sa China ay walang mangyayari sa ating ipinaglalaban. Ang tanong ko kay Sec. Salvador Panelo ay ito, bakit kailangan niyang makiusap sa China na huwag gigipitin ang mga ma­ngingisdang Pilipino? Parang mali naman yata na makiusap tayo, bakit kailangang yukod ang ulo sa kanila samantalang pag-aari natin ang karagatang pinangingis­daan ng ating mga kababayan.

Ngayon ang gusto kong malaman ay kung bakit tameme ang gobyerno sa pagbabalahura ng mga Intsik sa ating mga karagatan? Oo nga nag-file na ng diplomatic note si DFA Sec. Teodoro Locsin pero sa tingin ko walang mang­yayari riyan diretso basurahan pagnatanggap ng Chinese government ‘yan. Kulang sa konsiderasyon ang China kung ano ang paniniwala nila ‘yun ang pinaninindigan nila hindi puwedeng baliin.

Kung maalala n’yo ang sinabi noon ni President Digong na kung aangkinin ng China ang West Philippine Sea ay siya mismo ang sasakay ng jetski papunta roon at itatayo ang bandila natin. Ito na ang tamang pagkaka­taon upang gawin ito ni President Digong pumunta siya roon at paalisin ang mga barkong nakabalandra sa karagatang pag-aari natin upang wala nang sagabal sa mga mangingisdang Pinoy.

Bilib talaga ako kay Senior Justice Antonio Carpio, hindi tumitigil ipaglaban ang pag-aari nating karagatan kasama si dating DFA Sec. Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sila ang mga taong ating sandigan upang ipaglaban ang ating karapatan. Walang takot na batikusin ang China.

Ipagtanggol natin ang bansa tulad ng ginawa ng ating mga bayani na nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol. Hindi ko sinabing makipaggiyera, ibig kong sabihin daanin sa diplomasya.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with