^

PSN Opinyon

Maghugas ng kamay pagkagamit ng kubeta

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY mga kaugalian tayo na puwedeng makasama sa kalusugan ng ibang tao. Ang isa rito ay ang hindi paghu­hugas ng kamay pagkatapos umihi o dumumi. Ayon sa isang pagsusuri ng DOH, 20% lang ng mga bata ang naghuhugas ng kamay pagkagamit ng kubeta, at 44% lang ng mga matatanda.

Ito’y dahil marami ang nag-aakala na malinis ang kani­lang kamay, pero hindi nila namamalayan na may milyun-milyong bacteria na ang kamay nila. Kapag hindi tayo naghugas ng kamay pagkatapos dumumi ay puwedeng mailipat ang mikrobyo sa gripo, sa pinto at flush handle. At kapag may susunod na hahawak sa mga gamit na ito ay puwede na silang mahawa.

Anong mga sakit ang posibleng maidulot nito? Ito ay ang pagtatae, hepatitis A, salmonella, typhoid fever, cholera, amebiasis, bulate, sore eyes, at impeksyon sa balat. May mga taong “disease-carriers” o nagdadala ng sakit tulad ng typhoid at bulate sa tiyan na wala namang nararamdaman. Maipapasa nila ang sakit sa iba sa pama­magitan ng kanilang dumi.

Sa Pilipinas, hindi nakapagtataka na may 500,000 kaso ng pagtatae ang nakikita ng doktor bawat taon. At tinatayang 10,000 bata ang namamatay sa pagtatae bawat taon. Kaya sikapin nating maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

Kung nababahala kayo na baka matuyo at kumulubot ang inyong balat, gumamit ng sabon na “moisturizing soap.” Huwag gumamit ng sabon panlaba dahil matapang ito para sa kamay natin. Isa pang paraan para hindi mag-dry ang balat ay ang paglagay ng lotion pagkatapos maghugas ng kamay.

Nakalulungkot isipin na maraming tao ang hindi naghuhugas ng kamay pagkagamit ng kubeta. Sana ay mabago na natin ang bad habit na ito. Hindi lang ito para sa ating kalusugan, kundi para na rin sa kapakanan ng ibang tao.

vuukle comment

WASHING HANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with