6.1 na lindol
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2019 - 12:00am

HINDI talaga mawala ang biglaang sindak dulot ng malakas na lindol. Kahit alam na ang dapat gawin kapag lumindol, takot ang unang iiral. Isang 6.1 na lindol ang tumama sa Luzon noong Lunes. Ayon sa Phivolcs Earth­quake Information, ang epicenter ay sa Castillejos, Zambales. Mababaw lang daw, pero malakas kaya ramdam na ramdam ng lahat. Nagdulot ng malaking danyos, partikular sa paliparan ng Clark kaya ilang flight ay kinan­sela. Itinigil pansamantala ang operasyon ng MRT at LRT. Pinauwi rin ang karamihan ng mga empleyado sa maraming opisina. Kanselado rin ang pasok sa mara­ming paaralan. Inasahan naman na hindi nagtamo ng danyos ang NAIA at patuloy ang operasyon.

Hindi pa raw ito “major earthquake”, ayon sa Phivolcs­. Magkakaroon daw ng mga aftershocks, pero sana ay mahihina na lang. Wala tayong kontrol sa ganitong kla­seng kaganapan. Ang Pilipinas ay nasa ibabaw ng maraming fault lines kung saan tuloy-tuloy ang paggalaw ng lupa. Nakarekord sa Phivolcs ang bawat paggalaw ng lupa at alam ang pinanggagalingan.

May mga nagbabala na isang malakas na lindol ang tatama sa Luzon dahil sa dami ng fault lines nito. Ipinag­darasal ko na hindi ito mangyari. Sana ay hindi senyales ang lindol noong Lunes na may malakas pang tatama. Noong 1990, isang 7.9 na lindol ang tumama sa Metro Manila at Luzon na ikinamatay ng 1,600 katao. Nagdulot ito ng pagkasira sa Cabanatuan, Dagupan, La Union at Baguio. Isa lang iyon sa malakas na lindol na tumama sa bansa.  

Sa pinaka-latest report, 16 na ang naitatalang patay sa lindol at karamihan ay sa Pampanga kung saan isang supermarket sa Porac ang naguho. Ipagdasal natin na sana ay wala ng mga biktima na nadaganan ng istruktura.

EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with