EDITORYAL - Hindi pa rin nakahanda
(Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

KULANG pa sa kahandaan ang mamamayan sa pagtama ng lindol. Bagama’t may mga naisa­gawa nang earthquake drill sa mga nakaraang taon, hindi pa rin ito lubusang nagamit at marami pa rin ang nag-panic at hindi malaman kung saan lalabas nang yumanig ang magnitude 6.1 na lindol noong Lunes ng hapon na naramdaman sa Metro Manila at mga probinsiya sa Luzon. Pinakagrabeng tinamaan ang Porac, Pampanga kung saan, 11 na ang naitalang patay dahil sa pagguho ng isang supermarket. Ayon sa report, 30 tao pa ang nawawala at pinaniniwalaang nasa guho. Patuloy pa ang rescue operations sa naguhong gusali.

Kahapon ng hapon, dakong ala-una, lumindol din sa Eastern Samar na may lakas na magnitude 6.5. Nakunan ng video ang pagtatakbuhan ng mga tao na tila hindi malaman kung saan susuling dahil sa pagyanig. Hindi rin naiwasang mag-panic ng mga tao at nawala na ang natutuhan sa earthquake drill.

Sa nangyaring lindol sa Metro Manila noong Lunes, nagkaroon nang leksiyon ang mga tao na hindi dapat mag-panic at sa halip ay kumalma sa pagtama ng lindol. Sa mga report, mayroon pa ring hindi natuto at nalimutan na kapag may lindol ay huwag gagamit ng elevator sapagkat maaaring ma-trap dun kapag naguho ang gusali. Sa hagdan magdaan kapag lumilindol at lumayo sa mga bintanang may salamin sapagkat maaaring mabasag ang mga ito. Mag-ingat din sa mga haligi at kisameng maa­aring bumagsak.

Sabi ng Phivolcs, ang nangyaring lindol noong Lunes ay hindi pa ang sinasabing “The Big One” na posibleng tumama sa Metro Manila. Noong 2015, inilabas ng Phivolcs ang mga lugar na sakop ng faultline. Ang faultline ay nagsisimula sa Montalban, Rizal, bahagi ng Quezon City, Pasig, Makati, Muntinlupa, at Cavite. Ayon sa Phivolcs kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude, mahigit 30,000 katao ang mamamatay. Natukoy ang West at East Valley Fault nang magsagawa ng pag-aaral ang Phivolcs katulong ang PAGASA, Mines and Geosciences Bureau at Australian government.

Wala pang gaanong kahandaan ang mga tao sa pagtama ng lindol. Kinakailangan ang regular na pagdaraos ng earthquake drill para maituro ang mga gagawin at maiwasan ang pagpa-panic. Isagawa ito ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Magkaroon din naman ng lubusang kaalaman sa pag-rescue sa mga natabunan at ganundin sa mga kagamitan na kailangan sa mga na-trapped sa guho.

MM AND ZAMBALES EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with