KAPA, SEC tirahin n’yo! (Di n’yo ko kaya!)
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

KAYONG mga Kapa-Community Ministry Inc. (KAPA) mem­bers, followers at supporters, andami niyong satsat, pati ba naman ako tinitira niyo. Di niyo ko kaya!

Bakit? Ang Securities and Exchange Commissions (SEC) ang nagsabing isumbong ang sinumang miyembro ninyo na nag-aalok ng investment at nangangako ng 30% na tubo dahil iligal ito.

Hindi masama ang inyong organisasyon dahil legal kayo at nakarehistro naman. Subalit, ilegal kapag kayo’y nag-alok at naghikayat ng investors at may pangakong 30% na tubo. Gobyerno ang nagsabing bawal ang ginagawa n’yo, SEC mismo. Lumabas na ‘yan sa malalaking diyaryo, hindi n’yo ba nabasa at sa akin lang kayo nanggagalaiti?

Religious organization kayo at nakarehistro bilang non-stock corporation sa SEC. Pagmamahal at salita ng Diyos dapat ang inaatupag n’yo. Bakit kayo nangingialam sa mundo ng investment? Ang problema sa inyong mga ngakngakero, tinitira ako ng followers n’yo na mala-kulto ang pag-uugali.

Dahil nagbigay ako ng babala o All Points Bulletin­ sa mga Pilipino, nagalit ang inyong mga miyembro’t supporters­. Mayroon pang nagsasabing mag-sorry raw ako. Ano kayo, hilo? Sorry for what? ‘Wag n’yo akong turuan, mga obob! 

Kung wala kayong go signal ng SEC, grupo kayo ng mga dorobo. Ilegal ang gawain n’yong pagso-solicit ng pera na may pangakong malaking kita. Intiendes? Ang iba sa inyo  mga pulpol, ayaw tumanggap ng pagkakamali at ayaw amining mali ang aktibidades n’yo. Religious organization pa naman kayo.

Eto ngayon, binubuweltahan ko ang mga miyembro ninyo na nagsisinungaling at binabaliktad ang isyu. Hindi ako ang isyu kundi kayo, ‘yang mga pinaggagagawa ninyo!

Kayo riyan sa KAPA na puro buka ng bunganga, sa gobyerno kayo magreklamo, SEC tirahin n’yo. Mensahero lang ang BITAG, hindi kami pagigiba sa inyo. Kung marami pa kayong satsat, bukas ang  tanggapan ko para sa inyo.

KAPA-COMMUNITY MINISTRY INC. SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with