Bakit llamado si Bong Revilla?
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

ILANG “tumbling” na lang at eleksyon na. Unti-unting tumi­tining kung sino ang gusto ng mga Pinoy. Kamakailan, nadiskubre ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na may mga kumakalat na sample ballot na sa unang tingin ay pabor sa partido. Ang naka-lineup dito ay ang kanilang ticket at hinihimok ang taumbayan na “vote straight.”

 Ang sample ballot ay inilagay pa sa tarpaulin at ikinalat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Pero ang kakatwa, itinuturo sa sample ballot na “lagyan ng tsek” ang bilog ng kursunada nilang kandidato. Ang bilog ay hindi tsini­tsekan kundi iniitiman.

Sa sampung botante na makakabasa nito ay baka may isa o dalawang maniniwala. Kapag pinagsama ay isang malaking epekto sa hanay ng HNP. Lumalabas­ na ang mga may pakana nito ay ang mga taong ayaw manalo­ si Senatorial bet Bong Revilla. Sa tatlong Senador­ kasi na ipinakulong nila, si Revilla lang ang napa­walang-sala. Desperado na sila dahil napakahina ng kanilang line-up na dawit sa mga anomalya ng nakalipas­ na admi­nistrasyon tulad ng SAF-44, Yolanda rehabilitation at ang pinaka­malupit ay ang isyu sa Dengvaxia na bukod sa nagkamal sila ng salapi ay napakarami pa ng kabataang namatay. Sa sobrang hina ng kanilang line-up ay may propaganda na si Mar Roxas na isa sa kanilang kandidato ay kumalas na umano dahil sa halip na makatulong ang endorsement ng grupo ay lalo pang humihina na makabalik sa Senado.

Ngayon wala tayong pakialam kung desperado na sila o hindi pero ang malinaw, ayaw talaga ng grupong ito na ma­nalo si Sen. Bong. Pero dahil marami ang ayaw na sa kanila kaya lalong lumalakas si Revilla. Isipin n’yo, ilang grupo na ng troll ang nadiskubre na binabayaran para wasakin lamang si Sen. Bong sa social media at ngayon napakarami pang bagong estratehiya para lituhin ang mga supporter nito. Sabi nga ng barbero ko, naniniwala siyang mana­nalo si Revilla dahil ‘yan ang gusto ng mga Pilipino, mga kababayan nating nais ipaghiganti ang mga biktima ng Yolanda na kinurakot ang rehabilitasyon, para sa mga kaanak ng SAF-44 at sa pamilya ng mga naturukan ng Dengvaxia.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with