BI - TCEU sa Mactan pumalpak
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na baka alisin sa kanilang mga puesto ang mga miem­bro ng Bureau of Immigration Travel Control Enforcment Unit (BI-TCEU) kabilang ang kanilang team leader na si Ricky Buhay na nakatalaga sa Mactan International Airport dahil sa isang Chinese national na kanilang inilagay sa talaan ng exclusion order matapos itong dumating noon April 18, 2019, galing Shanghai sakay ng China Eastern flight MU5023.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Li Jiaqi, Chinese national, isang opisyal ng HQLM Travel and Tours na nakabase sa China.

Ang HQLM, ay may 20 years nang karanasan sa pagpapadala ng mga Chinese nationals sa iba’t-ibang panig ng mundo tulad ng Korea, Thailand, Vietnam at Japan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Li ay nagpunta sa Cebu para sa tourism opportunities para sa Chinese market.

Si Li, ay inilagay sa talaan ng blacklist ng TCEU dahil daw sa walang return ticket itong ipinakita nang dumating ito sa Philippines my Philippines pero may valid visa ito, may cash money at iba pang mga credit cards.

Dahil sa problema sa tiket ay bumili ng return ticket pabalik ng China pero inisyuhan pa rin ito ng exclusion order.

Ayon sa sumbong, hindi dapat inilalagay sa blacklist ang isang banyagang walang naipakitang return ticket, dapat ito ay pinabalik na lamang sa port of origin pero ang problema ay nakabili ito ng return ticket.

Paano ngayon ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magrereklamo ang mga kaibigan ni Li kay BI Commissioner Jaime Morente sa ginawang maling pagtrato rito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagmiting daw ang mga matataas na opisyal ng BI sa NAIA at ang rekomendasyon diumano ay tanggalin lahat ang TCEU members sa Mactan International Airport.

Ano sa palagay ninyo?

Alam naman natin may utos si Boss Digong na huwag bigyan ng ‘hard time’ ang mga Chinese nationals kung wala naman silang kasalanan at legal na nagpunta sa Philippines my Philippines para mag-negosyo.

Abangan.

BUREAU OF IMMIGRATION TRAVEL CONTROL ENFORCMENT UNIT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with