US pa rin
K KA LANG - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2019 - 12:00am

MULING nagsalita ang mamamayan. Sa pinakabagong pagsuri ng SWS, mataas pa rin ang tiwala ng marami sa United States habang nanatiling “neutral” ang tiwala sa China. Pati ang Japan at Australia ay malayo ang taas kumpara sa China. Sa madaling salita, sa loob ng tatlong taon kung saan tila kinukumbinsi ng administrasyon ang mamamayan na kaibigan ang China, hindi masabing may tiwala na sila.

Ayon kay DFA Sec. Teddy Locsin, malalapitan ng bansa ang US kung sakaling magkaroon ng malinaw na pagsa­lakay sa karagatan. Ang US ang tanging kaalyadong militar, wala nang iba. Inaasahan ko na kabilang na ang mga islang hawak na ng bansa, tulad ng Pag-asa at iba pa, na kasalukuyang pinaliligiran ng maraming barko ng China. Inaasahan ko na ang pangakong ipinahayag ni US Secretary of State Mike Pompeo hinggil sa pagtulong sa bansa kung sakaling magkaroon ng salungatan ay matutupad.

Malinaw na ang pulso ng mamamayan ay para sa US pa rin, na sa totoo nga ay matagal na nating kaalyado. Malinaw na ang administrasyong Duterte lang ang lumalapit nang husto sa China. Sa kabila ng mga isyu natin sa karagatan, panahon na ba para matatag na tumayo para sa ating karapatan, partikular ang pagpapatupad ng desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration?

Malinaw din na dahil bukas na bukas ang administras­yon sa China, wala nang balakid sa anumang gusto nilang gawin sa karagatan. May ulat na tuluy-tuloy ang pagkayod nila ng Panatag Shoal para makapaghango ng taklobo, na tila insulto sa soberenya ng bansa. Nasa loob ng exclusive economic zone ang Panatag Shoal, pero inangkin na ng China nang husto. Pinayagan na nga ang mga mangi­ngisda na makalapit sa Panatag, pero hindi sa loob nito kung saan mayaman sa pangingisda. Baka naubos na rin ang mga isda kung ang lupain ng Panatag na ang kinakayod.

Hindi ko alam kung gaano na karaming isda ang nakuha ng China sa Panatag, dahil tinataboy nga ang sinumang lumapit. Sa Korte Suprema na nga lumalapit ang mga mangingisda, para hikayatin ang gobyerno na protektahan ang karagatan, para maprotektahan din ang kanilang pamumuhay. Ewan ko lang, pero baka magpaliwanag lang ang gobyerno pabor sa China.  

MIKE POMPEO TEDDY LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with