^

PSN Opinyon

Pinilit lang

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

MAY hawak naman na kutsilyo ang kaliwang kamay nito na tinutok sa leeg ng dalaga sabay bulong dito na huwag sisigaw kung hindi ay papatayin siya at ang kanyang buong pamilya. Dahil sa takot, nanatiling tahimik si Abi habang hina­hatak siya ni Mark sa pintuan. Itinulak siya ni Mark at kinu­babawan. Nagawa ng lalaki na hubarin ang panty ni Abi at sa pagitan ng pananakot na papatayin ang pobre gamit ang kutsilyong nakaumang sa leeg nito ay nagawang angkinin at pagsawaan ang katawan ng biktima.

Pagkatapos ng nangyari, agad na umalis si Mark samantalang si Abi ay umiiyak na bumalik sa kuwarto. Nang sumunod na araw ay ipinagtapat ni Abi kay Hans na ginahasa siya ni Mark. Nagdesisyon ang dalawa na magsampa ng reklamo sa pulisya laban kay Mark matapos ipaalam sa nanay ni Abi ang nangyari. Makalipas ang apat na araw ay kinasuhan si Mark para sa krimen ng rape at inaresto.

Bukod kay Abi, tumestigo sina Hans, Lupe at mga pulis na nag-imbestiga sa kaso. Sa kanyang depensa, inamin ni Mark na may nangyari sa kanila ni Abi pero ginusto raw nila pareho ito at pumayag si Abi rito. Sa katunayan daw, may nangyari na rin sa kanila nang nagdaang buwan. Niligawan daw niya si Abi nang unang magkita sila at naging magsyota sila ng babae. Ayon pa kay Mark, pareho nilang ginusto at kusa ang nangyaring pagtatalik dahil may relasyon naman sila. Hindi naman daw niya ginamitan ng dahas ang babae. Sinuportahan ng mga kainuman at nanay niya ang kanyang testimonya.

Matapos ang masusing pag-aaral sa mga ebidensiya, nagdesisyon ang korte laban kay Mark. Wala raw pag-aalinlangan na ginahasa ni Mark si Abi kaya hinatulan siya ng 30 taon na pagkakulong o reclusion perpetua at pinagbabayad ng P20,000 bilang danyos o kaya ay dagdag na pagkakulong kung hindi makakabayad.

Kinatigan ng Supreme Court ang desisyon ng mababang hukuman pero tinanggal ang dagdag na araw ng pagkakulong kung hindi makakabayad ng danyos. Walang pagdududa raw na isang biktima si Abi. Natakot at nangimi siya kaya tahimik na nagpaubaya sa makamundong pagnanasa ni Mark sa kanya na may hawak na patalim na nakatutok sa kanyang leeg. Bago pa man daw nangyari ang krimen ay alam na ni Mark na matutulog sa pubhouse ang kanyang biktima. Alam din niya ang ugali ng babae lalo ang paggising nito sa madaling araw para umihi kaya nakakita siya ng pagkakataon para isagawa ang masamang balak.

Sinadya niyang painumin ang ibang empleyado para ma­sigurong lasing ang mga lalaki at hindi makahahadlang sa kanyang gagawin. Tiniyak niyang wala silang kamalay-malay habang nagaganap ang panghahalay. Inabangan niya si Abi nang madaling araw na iyon at walang-awang pinagsamantalahan sa paraang walang mararamdaman ang biktima kundi awa at pagkapahiya sa sarili. Sadyang binaboy niya ang pagka­babae ng pobre dahil ipinakita nito na pagtanggi at hindi pagkagusto sa kanya dahil nga may ibang pakakasalan na si Abi.

Ayon pa sa SC, 18-anyos at 3rd year nursing student lang si Abi at nakatakdang magpakasal kay Hans. Walang ebi­densiya na isa siyang kaladkarin at malanding babae na sasadyaing akitin ang empleyado ng kanyang ina para lang makipag­talik sa lalaki. Bata, inosente at disenteng babae si Abi na tinakot at napasunod lang sa ginawang biglaang pag-atake sa kanya ni Mark.

Ang pagpayag na nakuha sa dahas at pananakot ay hindi masasabing tunay na pagpayag. Kahit pa hindi siya sinaktan o pinagbuhatan ng kamay ng lalaki ay sapat naman ang mental at moral na pananakot para hindi makalaban ang biktima sa gusto ng akusado. Malakas din ang loob ni Mark na hindi siya ipagkakanulo sa publiko ni Abi. Inasahan niya na hindi ipapahiya ni Abi ang sarili dahil nga masisira ang kanyang repu­tasyon. Talagang nagkasala sa krimen si Mark (Pp. vs Pena Jr. GR72354, June 30, 1987).

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with