^

PSN Opinyon

Bagong lahi ng aso, paano ba naitatala?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG pag-aalaga at paglalahi ng aso sa Pilipinas ay batay sa kaalaman at kaganapan sa America. Maraming Pilipinong mahilig sa purebred na aso ang nagtatanong kung paano kinikilala ang bagong lahi. Napag-alaman ko na nu’ng nakaraang taon ay dalawang bagong lahi ang naitala sa America. Masalimuot palang proseso ‘yon, nasaliksik ko sa Economist.

Nu’ng Pebrero sa Madison Square Garden, New York City, nilahad ang mga pinaka-magagandang purebred na aso sa mundo. ‘Yun ang ika-143 na pagtatanghal ng Westminster Kennel Club Dog Show. Grinupo ang mga lahi kung hound, sporting, terrier, atbp. Sa huli, ang 7-taong-gulang na Wire Fox Terrier, si King, ang nagpangal ng pinaka-mataas na premyo. Unang sali lang din noon ng dalawang bagong breeds; mapasama lang sa show ay malaking kara­ngalan na. Kakikilala pa lang nu’ng 2018 sa Grand Basset­ Griffon Vendéen, na mabalahibong French hound, at ang Nederlandse Kooikerhondie, na pang-hunting ng pato. Sa pagsali sa Westminster, mapapalapit ang dalawa sa pormal na pagrehistro sa American Kennel Club (AKC).

AKC ang nagtatalaga ng mga alituntunin sa pagkilala at pagrehistro. Tatlumpu’t limang breeds ang tinanggap nitong nakaraang dekada. Kabilang du’n ang Norwegian Lundehund, na sadyang nilahi para pang-hunting ng puffin bird, at ang Azawakh, na guide dog ng mga bulag mula sa Sahara. Anang AKC merong 340 lahi sa mundo, pero ang opisyal na rehistrado sa kanila ay 190 lang.

Matagal nang naglalahi ng aso para sa abilidad sa hunting­, sa trabaho at sports, at bilang kasama ng tao. Nu’ng dekada-1860s sa England unang nagtanghal ng dog shows, kung saan mas mahalaga ang porma kaysa pakay. Nag­latag ng mga alituntunin ang hinampalan. Mga kata­ngian: laki, bigat, balahibo, balat, tindig, lakad, at iba pang kata­ngian. Naging mahigpit sa pagka-pareho ng magkakalahi. Naging importante ang purebred, walang halo. Nire­histro ang mga magulang.

PUREBRED NA ASO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with