^

PSN Opinyon

Mga Chinese poachers pinayayaman natin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ITO ay usaping dapat talakayin ng pamahalaan ng Pili­pinas sa China - ang pananamantala ng mga ilegal Chinese poachers sa likas-yaman natin sa Scarborough Shoal. Kaysagwang sistema. Halata na nga ang military buildup ng China sa ating exclusive economic zone, papasukan pa ng mga illegal poachers na tila protektado mismo ng China. Iyan ba ang kaibigan?

Sa kabila nito, kampante pa rin ang administrasyon na kaalyado natin ang China at hindi tayo gagawan ng masama­. Eh iyan na nga mismo ang ginagawa! Kailan pa tayo aaksyon nang totohanan? Kapag nasakop na ng China ang buong Pilipinas?

Nagkakamal ng limpak-limpak na dolyares ang mga Chinese poachers mula sa dinudugas nilang malalaking clams o taklobo at iba pang lamang dagat mula sa ating exclusive economic zone. Ibig sabihin ng exclusive economic zone, ito’y teritoryong may eksklusibong karapatan ang Pilipinas upang makinabang sa mga likas na yaman sa naturang bahagi ng West Philippine Sea. Walang ibang nasyon ang puwedeng tuminag diyan.

Kung tunay na kaibigan natin ang China, gaya ng inaakala ng ating pamahalaan, ito mismo ang gagawa ng hakbang para mapigil ang ganitong ilegal na gawain. Double whammy­ ang dulot na perhuwisyo nito. Niyuyurakan na ang ating soberenya habang tinatangay ang kayamanan ng bansa. Bukod pa diyan ang pagkasalanta ng ating marine environment na nakaka perhuwisyo sa mga residenteng malapit sa lugar na umaasa dito para sa kanilang kabuhayan.

Nagsalita na si Presidente Duterte at binalaan ang China sa ginagawang militarisasyon sa Pag-asa Island. Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na maghaharap na ng diplomatic protest ang Pilipinas Laban sa mga nabanggit na poachers. Ang masasabi ko naman, don’t say it. Just do it. 

Matagal nang inihayag iyan pero hanggang ngayon, nagpipista pa rin ang mga Intsik sa pangungulimbat ng ating likas na kayamanan. Kilala rin ang Scarborough sa taguring Panatag. Panatag pero walang makitang kapanatagan . Simula pa nung panahon ng ating mga ninuno, diyan na nangingisda ang mga sinauna nating kalahi. Tapos, eentrada ang China at aangkinin ito?

vuukle comment

ILEGAL CHINESE POACHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with